^

PSN Opinyon

Ang puso ng ating health programs

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

MAGANDANG araw, Proud Makatizens! Nais kong ibahagi ang magagandang balita sa larangan ng kalusugan. 

Sa nakaraang taon, sa Ospital ng Makati (OsMak), umabot sa 75,698 ang ating mga natulungang Proud Makatizens, kabilang ang 9,758 na na-admit sa emergency room. Napakahalaga ng bawat bilang na ito dahil bawat isa ay sumasalamin sa buhay na ating nasagip at napabuti. 

Sa outpatient care, 90,901 ang ating naasikaso, na nagpapakita ng patuloy nating pagpapalawak ng serbisyo. Di matatawaran ang ating pagsulong sa mga espesyal na serbisyo tulad ng libreng dialysis, na umabot sa 17,824 sessions ang ating naisagawa.

Sa aspeto ng diagnostic services, ang Radiology at Laboratory ay nagsagawa ng mahigit 300,000 procedures—mga hakbang na nagpapabuti sa accuracy at bilis ng ating mga diagnosis. Ipinagmamalaki natin ang patuloy na pagbaba ng ating mortality rates, tulad ng Infant Mortality Rate na umabot sa 0.45 percent.

Ang ganitong mga numero ay hindi lang mga datos—sila ay mga buhay na patuloy nating pinapahalagahan at ina­alagaan. Sa larangan ng maternal at child care, 99.73 percent ng deliveries ay ginabayan ng skilled health professionals at hindi tayo nakapagtala ng kahit isang maternal death noong nakaraang taon.

Sa mga programa para sa mga bata, ang ating pagsisikap ay nagbunga sa pagbaba ng neonatal at under-five mortality rates. Sa tulong ng Makati Health Information Management System (MHIMS), mas pinadali at pinabilis natin ang access sa health records, at sa paggamit ng telehealth, lalo pang napalapit ang serbisyong medikal sa ating mga Proud Makatizens.

Kaya naman, sa patuloy na matatag na pamumuno at walang tigil na pagpaplano, handang-handa ang Makati na harapin ang anumang hamon.  Andiyan ang aking asawang si Luis Campos na nakahanda para ipagpatuloy ang paghahatid ng serbisyong may malasakit sa mga susunod na taon.

Sa Makati, hindi lang tayo basta ready; tayo ay patuloy na nag-aangat ng kalidad ng buhay para better ang quality of life ng bawat Makatizen. Ang ating paglalakbay tungo sa isang mas malusog at mas matatag na Makati ay hindi nagtatapos dito. Ito’y patuloy na magiging simbolo ng ating dedikasyon sa pag-aalaga sa bawat isa. Sa pagsulong natin, tandaan nating ang tunay na lakas ng Makati ay nasa pagsasama-sama ng ating mga puso at hangarin para sa isang mas magandang bukas.

Maraming salamat at patuloy tayong magtulungan para sa ikauunlad ng ating minamahal na lungsod!

HEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with