^

PSN Opinyon

Huwag alisin ang EDSA Busway

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NOONG araw, hindi lang matinding trapiko ang problema sa kahabaan ng EDSA kundi ang nagsasalimbayang mga bus na lalong nagpapasikip sa daloy ng trapiko. Bukod diyan, nagkakarera pa ang mga bus at nag-uunahang makapagsakay ng mga pasahero.

Madalas, ang ganitong ugali ng mga bus drivers ay nagi­ging sanhi ng mga madudugong aksidente. Halos kasabay ng pagkakatayo ng MRT, itinalaga ang gitnang bahagi ng EDSA, sa ilalim mismo ng overhead MRT railways para sa mga bus. Hindi na sila maaaring gumamit ng ibang linya sa highway. Nagkaroon ng bahagyang kaayusan sa takbo ng traffic. 

Ang mga bus ay nagsisilbing tulong sa MRT sa panahong nagkakaroon ng aberya na dito’y ang mga bus ang sumasalo sa mga pasahero para hindi sila maantala sa kani-kanilang appointments. Masaya ang mga tao sa development na ito.

Maski paano, Medyo lumuwag ang daloy ng trapiko at nawala ang karerahan ng mga bus at nabawasan ang mga sakuna. Ngunit naririyan pa rin ang traffic congestion bagamat bahagyang naibsan. Bakit ngayon, muling kinukonsidera ang pagtatanggal sa mga bus lanes at ang rason ay katulad ng dahilan kung bakit inilagay ang mga ito? Ang ayusin ang daloy ng trapiko?

Masyado bang napakabata na ng mga opisyal ngayon para hindi na matandaan kung bakit nabuo ang mga busways na tinatawag ding EDSA Carousel? Kung nananatili man ang problema sa trapiko, ang dahilan niyan ay dalawa: kawalan ng disiplina ng ilang motorista at kapabayaan ng traffic enforcers.  

Sabagay, planning stage pa lang naman ito ngunit ­maganda nang sinasabi ko ngayon pa lang ang aking ­saloobin sa ­planong ito. Ayaw ko nang magbalik ang mga panahon na ­mistulang parking lot ng mga nakahambalang na bus at iba pang ­sasakyan ang EDSA. Ayaw ko na ang karerahan ng mga bus na ­nagbubunga ng mga malagim na sakuna.

EDSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with