^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Daming namamatay sa vehicular crashes

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Daming namamatay sa vehicular crashes

NOONG Enero 30, 2025, tatlo katao ang namatay sa Jaro, Iloilo nang sumalpok ang sinasakyan nilang kotse sa 10-wheeler truck. Ayon sa pulisya, ­nag-overtake ang kotse sa isang pickup vehicle at nabangga ang kasalubong na truck sa kabilang linya. Hindi na umabot sa ospital ang tatlong sakay ng kotse.

Noong Enero 31, isang van ang sumalpok sa ­nakahimpil na truck sa Gumaca, Quezon at 14 ang malubhang nasugatan. Ayon sa pulisya, nakatulog ang drayber ng van nang mangyari ang aksidente.

Noong Biyernes (Enero 31), isang 10-wheeler truck ang umararo sa 10 sasakyan sa Cabanatuan, Nueva Ecija at isang negosyante ang namatay. Sa halip na huminto, ­ipinagpatuloy pa rin ang pagpapatakbo sa truck ­hanggang bumangga sa footbridge at naaresto siya ng mga pulis. Nahaharap siya sa reckless imprudence resulting in ­homicide, physical injury and damage to property.

Pinakamaraming vehicular crashes noong ­nakaraang taon na ikinamatay ng 2,747 katao, ayon sa report ng Highway Patrol Group (HPG) ng ­Philippine National Police (PNP). Ayon sa HPG, mas marami ang namatay noong 2024 kaysa 2023 na 2,030. Sa kabuuan, ayon sa HPG, may nangyaring 27,248 vehicular crashes noong nakaraang taon.

Itinuturong dahilan ng vehicular crashes ay ­reckless driving gaya nang hindi tamang overtaking, wala sa ayos na pag-u-turn, pagmamaneho nang mabilis, nakainom ng alak ang drayber, masyadong mabigat ang karga at gumagamit ng cell phone ang driver.

Isa sa mga laging dahilan ng drayber kapag ­nangyari ang aksidente ay nawalan daw ng preno ang ­minamanehong sasakyan. Gaya nang nangyari noong Disyembre 6, 2024 kung saan inararo ng truck ang mga sasakyan na kinabibilangan ng 16 na ­motorsiklo, limang kotse at isang bus habang palusong sa ­Katipunan fly-over sa Quezon City. Apat katao ang ­namatay. Sabi ng drayber, nawalan ng preno ang truck.

Bukod sa aksidente na kinasasangkutan ng mga ­kotse at truck, marami rin ang aksidenteng naitatala sa motorsiklo. Noong nakaraang linggo, isa ang ­namatay dahil sa pagkakarera ng motorsiklo sa Marilaque ­Highway. Sabi ng HPG, babantayan nila ang nasabing highway upang hindi na maulit ang illegal na ­pagkakarera na nagbubuwis ng buhay.

Ipatupad naman ng Land Transportation ­Office (LTO) ang pag-educate sa mga kukuha ng ­driver’s ­license (particular sa motorsiklo) para hindi sila ­maging mitsa ng mga aksidente sa kalsada. ­Maraming nakakakuha ng lisensiya kahit walang muwang sa mga batas trapiko. Huwag hayaang ang mga ­ignoranteng drayber ang maging dahilan ng ­kamatayan ng kawawang pasahero at pedestrians.

LTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->