^

PSN Opinyon

Mas pinalakas at better na mga proyekto’t serbisyo ngayong 2025

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

MAGANDANG balita, Proud Makatizens! Nalampasan natin ang 2024 revenue target sa kabuuang P24.15 ­bilyon—mas mataas ng 31 percent kumpara sa inaasahan.

Nakakabilib ang masiglang business community at masunuring taxpayers na patuloy na tumutulong para lumago at maging matatag ang ekonomiya ng lungsod.

Nakapagtala tayo ng 4,944 bagong rehistradong negosyo at 35,076 nag-renew ng business permits. Dahil dito, may P38.2 bilyon na kapital mula sa mga bagong investments, habang umabot naman sa P1.87 trilyon ang gross sales mula sa dati nang mga negosyo.

Patunay ito na hindi tayo nakaasa sa National Tax Allotment, at kaya nating buhayin ang sarili nating mga programa mula sa lokal na kita.

Ano ang ibig sabihin nito para sa ating lahat? Mas pinalakas na mga proyekto at serbisyo—mula sa ­edukasyon hanggang imprastraktura—ang handog para sa bawat Makatizen.

Hangad ko na gawing better at mas mailapit pa sa inyo ang iba’t ibang programa, at mas mapabuti ang kalidad ng pamumuhay natin dito sa siyudad.

Base sa datos ng Bureau of Local Government ­Finance (BLGF), 90.60 percent ng local current operating income ng Makati ay mula sa lokal na revenue sources.

Salamat sa solidong kooperasyon at tiwala ng ating ­komunidad, kaya nating itaas pa ang antas ng ating ekonomiya.

Ipinapakita rin ito ng ulat ng Philippine Statistics ­Authority: 6.3 percent growth rate ng GDP noong 2023 at pinakamataas na per capita GDP sa buong Pilipinas na P1.77 milyon.

Sa lahat ng nagbabayad ng buwis nang tama, mga negosyanteng namumuhunan, at bawat mamamayang patuloy na tumutulong, saludo po ako sa inyo.

Tanda ito na kapag sama-sama, mas malaki, better, at mas mabilis ang progreso na maaabot.

Inaasahan kong patuloy tayong magkakaisa sa ­pagpapalakas ng Makati, upang manatili itong modelo ng maunlad at moderno ngunit mapagkalingang lungsod.

Muli, maraming salamat sa inyong pagsisikap at ­pakikiisa. Sama-sama, kaya nating panatilihin at ­palawakin pa ang tagumpay ng Makati—para sa atin at para sa mga susunod na henerasyon.

TAX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->