^

PSN Opinyon

Pera namin ‘wag isama sa ­ pag-impeach kay Sara

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

“IMPEACHMENT budget ang niratipika ng Kongreso nu’ng Disyembre 11, 2024,” bunyag ‘yan ni Sen. Imee Marcos, miyembro ng bicameral committee na hindi ­naman tinalakay ang malalaking pagbabago sa items.

Walang solidong pruweba na nilahad si Sen. Imee. Pero malamang nga na dinisenyo ang budget para manuhol ng mga kongresista na i-impeach si VP Sara Duterte, at ang mga senador para sibakin siya. Gan’un ang ginawa nina President Noynoy Aquino at Budget secretary Florencio Abad kay Chief Justice Renato Corona nu’ng 2011.

Maraming tagong yaman—limang condo at milyong dolyares—si Corona. Dapat lang maalis sa puwesto. Pero sinuhulan pa ang mga mambabatas para gawin ‘yon. Wala silang pinagkaiba sa hinatulan nila.

Limang kalokohan sa 2025 budget ang patunay na naiiba ito:

• Dinoble ang budget ng Kamara de Representantes. Inaprubahan na nito sa komite at tatlong readings ang orihinal na P16.3 bilyon. Tapos dinagdagan ng bicam ng P17.37 bilyon. Naging P33.67 bilyon.

• Dinagdagan ng P1.1 bilyon ang budget ng senado. Aprubado na rin ng komite at tatlong readings ang orihinal na P12.8 bilyon. Pero ginawang P13.9 bilyon ng bicam.

• Kinaltasan ang orihinal na budget ng DepEd. Mula P748.09 bilyon, ginawang P737.08 bilyon lang. Pero tinaasan ang budget ng DPWH mula P898.9 bilyon tungo P1.113 trilyon. Labag sa Konstitusyon na nagtatakda ng prayoridad sa edukasyon kaysa ibang sektor.

• Inulit ang ginawa nu’ng 2024. Ang unprogrammed fund na P158.67 bilyon ay naging P732 bilyon. Para ‘yon sa pork barrels.

• Naglaan ng P26 bilyon para sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program. Ipamimigay ito ng pulitiko sa Election 2025. Mamimili sila ng boto gamit ang perang kinupit sa mamamayan at panloko sa mamamayan din.

Gastahin sana nila ang sariling pera sa pag-impeach kay VP Sara.

IMEE MARCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->