^

PSN Opinyon

Rason sa pagkuwestiyon sa national budget

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Kung magugunita, tinanggal sa P6.3 trillion panukalang national budget ng House of Representatives ang P125 million halaga ng confidential funds sa tanggapan ng Vice President na dahilan ng bangayan ngayon ng mga Duterte at administrasyong Marcos.

Iyan ang nakikita kong rason, bukod sa intensiyong ­patalsikin sa kapangyarihan si President Bongbong Marcos.

Tingin ko, gagawin ding rason iyan para sa balak din nilang sampahan ng impeachment case si Bongbong sa House of Representatives. Ito’y kasabay din ng public clamor na aksyunan na ng Kamara ang impeachment laban kay VP Sara Duterte na tinututulan ni Bongbong.

Dalawang kilos-protesta nga ang naganap kamakailan na ang isa ay para sa impeachment ni Sara at ang isa ay kay Marcos. Masalimuot na usapin!

Obviously, nais ng Duterte camp na kapag ­ideneklarang ilegal ng Korte Suprema ang kinukuwestyon nilang General Appropriations Act (GAA), gagamitin muli o mare-reenact ang dating budget na doo’y nakapaloob pa rin ang inalis na pondo. Sana, magdesisyon ang Korte Suprema nang wasto para sa kapakanan ng bansa.

Overwhelming ang mga opinion ng mga eksperto na pinasisinungalingan ang allegation ni ex-President Duterte kamakailan na may mga blankong probisyon sa panukalang inihain ng Kamara.

Sabi ng mga nakaaalam, wala ang mga tinutukoy na blanko sa enrolled bill na pinal na inaprubahan ni ­Bongbong kamakailan. Ako ay tagamasid lang pero inaasahan kong magpapasya sa tamang katwiran ang pinagpipitaganang Supreme Court.

HOUSE OF REPRESENTATIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad