^

PSN Opinyon

Peligroso na ang Marilaque highway

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Noong isang araw, pinag-usapan lang natin na walang napapala o nakakamit ang kayabangan. Ito matapos makapatay ng isa at masaktan ang isa pa ng napakabilis magpatakbo ng rider ng big bike. Nahaharap na sa maraming kaso, malaking multa, nasaktan pa siya, nasunog ang mo­tor­siklo at maaari pang makulong. Lahat iyan, dahil sa kayaba­ngan. Hindi nagtagal, may mga nagyayabang na rider ng motorsiklo na nauwi sa tarhedya.

Sa Marilaque highway, kuha sa video ang dalawang rider na nagkakarerahan habang ginagawa ang “superman” kung saan nakadapa ang rider at nakataas ang paa na mistulang lumilipad katulad ni Superman. Kalokohan.

Makikita sa iba’t ibang video na pabalik-balik sila sa na­sabing likuan sa Marilaque kung saan maraming tao ang nakaparada at pinapanood ang mga dumadaang motorsiklo.

Sa nasabing video nagpang-abot ang dalawang rider habang mabilis ang takbo at ginagawa ang “superman”. Nawalan ng kontrol silang dalawa at dumeretso sa pader. May nadamay pang nanonood. Ilang motoriklo rin ang nasira. Isa sa rider ang namatay.

Sulit ba ang naging kapalit ng pasikat at kayabangan nila? Namatay ang isa. Ang isa naman ay nasaktan at mahaharap din sa maraming kaso bukod sa dami ng babayaran. Pati ang nasaktang nanonood sa tabi ng highway ay pana­nagutan.

Kailan ba magigising ang mga otoridad sa nagaganap sa Marilaque tuwing Linggo? Kailan kikilos ang mga pulis para pagbawalan na ang pumarada sa tabi ng highway at sila rin ang dahilan kung bakit may mga nagyayabang. Kung walang nanonood, walang magpapasikat, hindi ba?

Nagiging peligroso na ang Marilaque highway hindi lang para sa mga naka-motorsiklo kundi para sa lahat ng moto­rista pati na rin mga nakaparada sa tabi nito. Kailangan nang kumilos ang mga otoridad para maging ligtas ang nasabing highway. Hindi ito karerahan. Hindi ito lugar kung saan pwedeng magpasikat o magyabang.

Ilan pa ang madidigrasya, masasaktan o mamamatay bago tuluyang maging mahigpit sa Marilaque? Alam naman nila kung saan dapat maghigpit. Hanapin lang nila ang kurbada kung saan maraming taong nakaparada. Dapat na rin pagbawalan pumarada sa mga kilalang kurbada kung saan maraming nagpapasikat. Para hindi naeenganyo ang mga rider na magpasikat.

MARILAQUE HIGHWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with