Bakit ang Indonesia, Malaysia at Vietnam ay kumakasa?
PINALAYAS ng Indonesia ang higanteng gunboat ng China Coast Guard sa Natuna Isles nu’ng Oct. 24, 2024. Ginugulo ng CCG ang oil survey ng Pertamina-Indonesia. Sinagupa ng maliit na barkong Indonesia ang CCG. Nang magmatigas ang huli, nagpadala pa ng isang barko at fighter jet ang Indonesia. Tumalilis ang CCG.
Nu’ng Oct. 15, 2024 iginiit ng Malaysia na magsu-survey sila ng oil sa sariling dagat maski pinalalayas sila ng China. “Amin ito at walang pakialam ang China sa ginagawa namin,” ani prime minister. Tumahimik ang China.
Oct. 2, 2024 binalaan ng Vietnam ang CCG na uupakan nila ito ku’ng manakit ulit ng mangingisdang Vietnamese. Ninakawan ng kagamitan at ginulpi kasi ng CCG ang mga Vietnamese nu’ng Sep. 29.
July 16, 2014 napahiyang umalis ang apat na China warships na may higanteng oil rigs sa Paracel Islands, Vietnam. Dalawang buwan kasi tinangka ng China itanim ang rig sa dagat ng Vietnam. Binangga ito ng 60 bangkang Vietnamese. Lumubog ang isa pero panalo ang Vietnam.
Bakit kumakasa ang tatlong bansang ASEAN, pero umaatras ang Pilipinas sa engkwentro sa China? ‘Yon kaya ay dahil kawatan ang mga lider ng Pilipinas, pero malilinis ang sa Indonesia, Malaysia at Vietnam?
Hindi! Binabatikos din ang mga pinuno ng tatlong bansa.
Ito ang malaking kaibhan: ang Pilipinas ay may Mutual Defense Treaty sa U.S. Ang tatlo ay wala. Sa ilalim ng 1951 MDT, tutulong ang isang partido ku’ng lusubin ang mga pampublikong sasakyan o pasilidad ng kabila. Giyera kumbaga.
Pinipigilan ba ng U.S. ang Pilipinas na kumasa sa China? Nahihiya ba ang Pilipinas kumasa dahil madadamay ang U.S.?
Inagaw ng China ang 11 bahura natin sa West Philippine Sea. Tumulong man o hindi ang U.S., dapat lumaban tayo.
- Latest