Milyong Pinoy, mawawalan ng trabaho dahil sa AI!
MILYONG manggagawang Pinoy ang mawawalan ng trabaho sa taong ito dahil sa salat na karunungan at kasanayan sa Artifical Intelligence (AI). Nakaka-alarma ang ganitong parating na scenario na dapat kagyat na bigyan tugon ng gobyerno ni President Bongbong Marcos, hindi ba mga kosa?
Mabuti na lamang at tinutulungan ng pribadong sector ang ating pamahalaan sa pagtugon sa ganitong suliranin upang mapigilan ang malawakang kawalan ng hanap-buhay sa bansa. Mismooo!
Isa sa mga kaagapay ng ating pamahalaan sa pagbibigay ng kasanayan sa AI at sugpuin ang unemployment lalo na sa mga kabataan ay ang Philippine Business for Education (PBEd).
Nagsanib puwersa ang PBEd at ang Citi Foundation upang mabigyan ng pagkakataon at pag-asa ang mahigit 2,600 na kabataan na dumaan sa pagsasanay sa AI, cybersecurity and data analytics. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Inilunsad kaagad ng PBEd at Citi Foundation ang JobNext program na magbibigay ng pagsasanay sa mga kabataan, edad 18 hanggang 24, sa kinakailangan husay ay palaguin ang digital economy sa ating bansa.
Sa pakipag-ugnayan sa iba’t ibang local na pamahalaan, nailunsad ng JobNext program noong 2022 upang maging handa ang mga Pinoy na manggagawa sa digital work.
Higit 10,000 kabataan sa buong bansa na ang naabot ng programang ito. E di Wow naman talaga.
“JobNext is an initiative designed to equip young Filipinos with the skills needed for the jobs of tomorrow. Focusing on fields like ICT, digital marketing, cybersecurity, green economy, and project management, JobNext addresses the growing demand for advanced competencies in an ever-changing job market,” sabi ni PBEd Vice Chairman Aurelio Montinola III. Ayosss! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Ayon kay Montinola “urgent” o dapat apurahin ang pagpapatupad ng programang katulad ng JobNext matapos maglabas ang World Economic Forum (WEF) ng report na nagbabalang 92 million manggagawa sa buong mundo ang maaring mawalan ng trabaho hanggang 2030 dahil sa pagdating ng AI.
Base sa ulat ng WEF 38 porsyento pa lamang sa manggagawa sa bansa ang may kasanayan sa AI kumpara sa global average na 50 porsiyento. Ang sakit sa bangs nito!
Mainam naman at merong JobNext program na pinapatupad sa Laguna, Samar, Iloilo, Quezon City, Cagayan de Oro City, Mandaue City, gayun din sa bayan ng Arteche sa Eastern Samar, Himamaylan sa Negros Occidental, at Irosin sa Sorsogon. Sanamagan!
Sa kasulukuyan may nakabimbin na JobNext bill na naglalayong palawakin ang pagpaptupad ng programa sa buong bansa. Kung maipapsa ang bill ay makakatulong ito sa upskilling at re-skilling ng manggagawa sa bansa.
Kaya tama na muna ang puro imbestigayon ng ating mga kagalang-galang na mambabatas at baka naman may panahon pa kayo bago mag-eleksiyon para iukol sa pagpasa ng naturang batas.
Unahin muna ang kapakanan ng kabataan at hindi ‘yung puro away pulitika. Abangan!
- Latest