^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Batas sa agri smuggling kulang sa ngipi’t pangil

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Batas sa agri smuggling kulang sa ngipi’t pangil

NILAGDAAN ni President Ferdinand Marcos Jr. ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act noong Setyembre 26, 2024 na ang layunin ay mahinto na ang agricultural smuggling sa bansa na nagdudulot nang malaking perwisyo sa bansa at pumapatay sa kabuhayan ng mga lokal na magsasaka.

Sa ilalim ng batas, habambuhay na pagkakulong at multang limang ulit ang halaga sa inismagel na produkto ang kaparusahan. Subalit sa halip na mapigilan ang smuggling ng agri products, lalo pang naging ­mabangis ang mga salot. Patuloy ang pag-smuggled ng mga produkto kabilang ang bigas, gulay, isda at karne.

Noong Huwebes, bumisita si Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel sa Pasay City Public Market at lantaran niyang sinabi na may nangyayaring agricultural smuggling. Nakita niya sa palengke ang mga gulay na tulad ng onion sticks, Chinese yam, large broccoli at paminta ay nababalutan ng Chinese characters.

Ayon sa kalihim, ang mga produktong ito ay kulang ng Sanitary at Phytosanitary Import Clearances ­(SPSICs) mula sa Bureau of Plant Industry kaya hindi ligtas kainin ang mga ito. Sinabi pa ni Tiu-Laurel na kaya nagkakaroon ng pagtaas sa presyo ng mga gulay ay dahil sa smuggling. Ipinag-utos ni Tiu-Laurel na imbestigahan ang mga smuggled na gulay at papanagutin ang mga nasa likod ng pagbebenta ng mga puslit na produkto. Hiniling naman ng Department of Trade and  Industry na magpalabas ang Bureau of Customs ng seizure orders sa mga smuggled na agri products.

Noong nakaraang Disyembre, nakasamsam ang Criminal Investigation and Detection Group at Bureau of Plant Industry ng P1.5 milyong halaga ng mga smuggled na puting sibuyas, carrots, luya, bawang at mga frozen na karne sa isang bodega sa Taguig City. Pawang galing sa China ang mga nakumpiskang produkto. Wala namang sumunod na balita pa kung sinampahan ng kaso ang may-ari ng establisimento. Hanggang sa pag­kumpiska na lang yata ang ginagawa ng mga awtoridad at hinahayaan na ang mga lumalabag sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.

Malaking insulto sa pamahalaan ang ginagawa ng agri smugglers. Wala na bang magagawa sa mga salot? Hindi ba maaaring lagyan ng ngipin o pangil ang batas laban sa smuggling?

Sayang ang batas na nagiging dekorasyon lang. Sa­yang lang ang mga pagbabanta ng Presidente na ha­habulin niya ang mga nananabotahe sa ekonomiya. Ang agriculture department ang dapat manguna sa ­paglipol sa smugglers. Kumilos sana sila sa ­nangyayaring talamak na smuggling ng agri products.

SMUGGLING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with