^

PSN Opinyon

Benepisyong medical sa mga Pangasinense

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

MAHIGIT 80 porsiyento na ang natatapos sa itinatayong 55-bed community hospital sa Barangay Gonzales, ­Umingan, Pangasinan.

Malaking kapakinabangan ang ospital sa libu-libong mamamayan ng Eastern Pangasinan na naisakatuparan lamang sa administrasyon ni Governor Ramon Guico III.

Kalimitan, itinatakbo pa sa Baguio City General Hospital and Medical Center, tatlong oras ang layo, ang mga ­pasyenteng mula sa mga bayan-bayan ng Eastern Pangasinan.

Ngunit kung makumpleto na ang mga pasilidad ng P200 milyon ospital sa Umingan, agad nang mahaharap ang mga hinaing medikal na karamdaman ng taumbayan sa lugar dahil mabibiyayaan ito ng modernong computed tomography (CT) scan, X-ray, at diagnostic devices.  

Dati-rating 15-bed lamang ang community hospital sa Umingan na kalapit lamang ng munisipyo sa Barangay Poblacion. Halos 50 pasyente lamang ang kaya nitong pagbigyan sa isang takdang panahon dahil sa kakapusan nito sa kagamitan at serbisyong medikal.

Ngunit sa malapit nang matapos ang P200 milyon Umingan community hospital, hindi na lalayo pa ang taumbayan, lalo na ang mga naghihikahos at karaniwang mamamayan ng Eastern Pangasinan.

Mabilis na silang makapagpapagamot at malulunasan ang mga karamdaman upang makapagpatuloy sa laban ng buhay.

Ayon kay Guico III, ang pasilidad na medikal sa ­Umingan ay isa sa mga unang township project ng kanyang pamunuan at katuparan ng pangarap na tuwirang ma-modernize ang 14 pampublikong ospital sa kanyang probinsiya.

Pangunahing agenda ng administrasyong Guico III ang mass-based health program para sa mga pangkaraniwang Pangasinense, kaakibat ng iba pang kapaki-pakinabang na proyekto gaya ng transport terminal, commercial area na may modernong pasilidad, housing, daycare center at social hall.

Una nang natiyak ang tuluy-tuloy na libreng serbisyong pangkalusugan sa buong Pangasinan nang maging ordinansa ang programang Government Unified Incentives for Medical Consultations (GUICONSULTA) na nakatututok sa “Preventive Health Care”.

Kung dati-rati’y atubili ang mga hikahos na Pangasinenseng magpakunsulta sa kanilang mga karamdaman, sa pamamagitan ng GUINCONSULTA, lahat sila ay maaring magtungo upang ma-check-up para sa agarang lunas upang hindi pa lumala ang mga karamdaman at maging kapaki-pakinabang na mamamayan ng Pangasinan.

* * *

Sa mga may reaksiyon o komento, i-send sa: [email protected]

COMMUNITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with