^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ang ‘Chinese spy’, drones at ‘monster ship’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Ang ‘Chinese spy’, drones at ‘monster ship’

NAKABABAHALA ang sunud-sunod na pagkaka­diskubre ng mga submersible drone sa iba’t ibang ba­hagi ng bansa. Ang pinaka-latest na sea drone ay na­tagpuan sa karagatan ng Bohol noong Martes ng isang hindi nagpakilalang mangingisda. Ang drone ay kulay silver at pula. Kumalat sa Facebook ang na­tuklasang drone. Nanawagan ang Armed Forces of the Philippines sa mangingisdang nakatagpo sa drone na ingatan ito at ipagbigay alam sa malapit na military o naval station upang masiguro ang tamang pag-handle at disposition sa nasabing drone.

Noong Enero 2, natagpuan ng mga mangingisda sa karagatan na sakop ng Masbate ang isang submer­sible drone na may dalawang metro ang haba at hini­hinalang pag-aari ng China base sa nakasaad na pa­ngalan sa katawan nito. Ang drone ay binantayan ng mga ma­ngi­ngisda hanggang kunin ng Philippine Navy sa lugar.

Pinuri ng Armed Forces of the Philippines ang gi­­nawa ng mga mangingisda na naging alerto nang ma­kita ang drone. Nananawagan ang AFP na maging ma­­pag­matyag pa ang mga mangingisda sa mga kahina-hinalang bagay na mamamataan sa karagatan. Ayon sa mga awtoridad, ang drone ay maaaring suma­sagap ng mga impormasyon lalo’t may malapit na military camp sa Masbate. Maari rin daw na ginagamit ang drone sa pagre-research sa karagatan.

Kasabay sa pagkakatagpo sa ikalawang drone, na­aresto naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang isang pinaghihinalaang “Chinese spy”. Naaresto noong Lunes si Deng Yuanqing at dalawang Pilipino na nakilalang sina Ronel Jojo Balondo Besa at Jayson Amado Fer­nandez. Nakuha sa SUV ni Deng ang mga gamit sa pag-eespiya. Ayon sa NBI ang tatlo ay nagsasagawa ng pag-eespiya, surveillance at reconnaissance ope­rations. Marami na raw naisagawang pagbisita at mapping sa military at police headquarters ang tatlo.

Mabilis namang nagsalita ang Chinese Foreign Mi­nistry na tigilan na ng Pilipinas ang pagpapakalat ng “Chinese spy”. Sabi ni Foreign Ministry spokesperson­ Mao Ning, maging makatotohanan daw sana ang Pili­pinas at pawang katotohanan lamang ang ilabas at huwag maling inpormasyon. Umapela pa si Mao sa pa­mahalaan na protektahan ang karapatan ng mga Chinese national sa Pilipinas.

Habang mabilis ang pag-react ng China sa nahuling “Chinese spy”. Tikom naman ang bibig nila sa yuma­yaot na “monster ship” ng China Coast Guard sa teri­toryong sakop ng Pilipinas. Noon pang unang linggo ng Enero namataan ang “monster ship” sa baybayin ng Zambales at mistulang nagmamatyag at naninindak.

Drones, espiya at monster ship ang madalas naki­kita sa kapaligiran ng Pilipinas. Nararapat maging alerto ang mga Pilipino sa binabalak ng China. Maghanda sa lahat ng oras.

BANSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with