^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Naninindak ang ‘monster ship’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Naninindak ang âmonster shipâ

Kalahating buwan nang paali-aligid ang Chinese Coast Guard vessel 5901 sa exclusive economic zone ng Pilipinas. Ilang beses nang ni-radio challenge ng Philippine Coast Guard ang “monster ship” pero ang sagot ay nasa kanila raw silang teritoryo at ang Pilipinas ang lumalabag at pumapasok sa kanilang nasasakupan.

Unang namonitor ng PCG ang “monster ship” noong Enero 4 sa baybayin ng Zambales. Makaraang iyon ay na-monitor naman ito malapit sa baybayin ng Lubang, Occidental Mindoro. Hanggang sa magpalipat-lipat ng lugar na para bang nag-oobserba at pinag-aaralan ang galaw sa West Philippine Sea. Hindi umano tumitigil sa paglalayag sa karagatang sakop ng Pilipinas ang “monster ship”.

Sabi ni Commodore Jay Tarriela, PCG Spokesperson for West Philippine Sea, sa loob ng dalawang linggo, hindi nila nilulubayan ang illegal activities ng “monster ship”. Noong Biyernes, sinabi ni Tarriela na lalo pang lumalapit sa baybayin ng Zambales ang “monster ship” at binabalewala ang kanilang radio challenge. Ayon kay Tarriela, nasa distansiyang 60-70 nautical miles ang monster ship mula sa teritoryo ng Pilipinas.

Sa kabila umano nang maraming radio communications mula sa PCG vessel, BRP Gabriela Silang, na wala silang legal authority na magpatrulya sa exclusive economic zone ng Pilipinas, nagpapatuloy pa rin ang monster vessel sa illegal operations. Binabalewala ang pagtataboy sa kanila.

Tinawag na monster ship ang CCG vessel dahil ito ang pinakamalaking barko ng China. Limang beses umano itong mas malaki sa mga barko ng PCG.

Ang Pilipinas ang may karapatan at awtoridad sa karagatang pinagpapatrulyahan ng monster ship. Nakasaad ang karapatan alinsunod sa Philippine Maritime Zones Act, United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), at sa 2016 Arbitral Ruling na pinagwagihan ng Pilipinas.

Ang paglalayag ng monster ship sa teritoryong sakop ng Pilipinas ay hindi dapat ipagwalambahala. Kalahating buwan na silang yumayaot na tila nagmamanman at pinag-aaralan ang galaw ng Pilipinas. Malaki ang posibilidad na mayroon silang malaking binabalak at sosorpresahin na lamang ang minamaliit na Pilipinas.

Kung dati ay ang pagbangga sa PCG vessels at pagbomba ng tubig ang ginagawa ng CCG, ngayon naman ay ipinakikita ang kanilang monster na barko para sindakin ang Pilipinas.

Dapat kumilos ang pamahalaan ukol dito. Hahayaan bang magpaikut-ikot ang monster ship sa teritoryo? Malinaw na hinahamon ang Pilipinas sa kanilang ginagawang ito. Magpapasindak ba ang Pilipinas? Hindi dapat.

GUARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with