Rogue POGO hubs, hindi takot sa Remulla brothers!
MALAKING pagkakamali ng rogue POGO hub operator na mamugad ng illegal niyang negosyo sa Cavite. Kaya hayun, ni-raid ng combined operatives ng PAOCC ni Undersecretary Gilbert Cruz at CIDG director Brig. Gen. Nicolas Torre III ang kuta niya sa Silang at inaresto ang 29 tauhan niya.
Malaki talaga ang kita ng POGO operations at ayaw bumitaw ng mga operators dito kahit ipinag-utos na ni President Bongbong Marcos na kitlin ang negosyo nila. Get’s n’yo mga kosa?
Kaya nasabi ng mga kosa ko na nagkamali sila at sa Cavite namugad dahil teritoryo ang probinsiya nina DILG Secretary Jonvic Remulla at kapatid na si Jusctice Secretary Boying Remulla.
Ang Remulla brothers mga kosa ang nasa forefront ng laban ni BBM vs POGO, at ang operator ng rogue POGO hub sa Silang na si alyas Chen ay sinuway sila? May padrino si Chen na dapat alamin nina Jonvic at Boying, di ba mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Hindi lang PAOCC, CIDG, local police ang nang-raid sa rogue POGO sa Elijosh Resort sa Bgy. Lalaan 2 sa Silang kundi kasama pa ang mga ahente ng Bureau of Immigration. Walang kawala kayo ngayon.
Ang inaresto ay 23 Chinese nationals at 6 Myanmar nationals. Nakumpiska sa kanila ang gambling paraphernalia, computer sets, at laptops, na ayon kay Torre, ay ginagamit nila sa kanilang gaming activities.
“This operation demonstrates our unwavering commitment to eradicating illegal activities and enforcing the law. The PNP remains dedicated to its mission of crime prevention and safeguarding the welfare of the Filipino people,” ani Torre.
Ang 29 na inaresto ay kasalukuyang nasa custody ng PAOCC, samantalang ang legal proceedings, kasama na ang deportation process ay nasa hurisdiksiyon ng BI. Sanamagan! Malaking role ng may-ari ng resort sa pagka-raid ng rogue POGO hub. Ang sakit sa bangs nito!
Matatandaan na nitong pagpasok ng Bagong Taon, may na-rescue rin ang CIDG na isang empleyado ng POGO hub na binugbog at pinagbayad ng ransom sa Cavite din. Tsk tsk tsk!
May padrino ang taga-POGO sa LGUs ng Cavite? E hindi sila takot sa Remulla brothers na abot langit ang pagsisigaw na burado na ang POGO hubs sa Pinas. Dipugaaa!
Si Sir Jonvic ay nagbabala pa sa LGU na lagot sila kapag hindi nila nasawata ang POGO sa kanilang lugar. Anyare? Dapat paimbestigahan ng Remulla brothers ang puno’t dulo ng paglipat ng POGO hubs sa probinsiya nila.
Baka may nagnanais na maipahiya o insultuhin ang liderato nila. Pueede, di ba mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Para malinis ang pangalan nila sa POGO, isinara ng Remulla brothers ang Island Cove, na dati pag-aari nila, na ang bumili ay nag-convert dito sa POGO hub.
Kasi nga ba naman, kahit anong denial nila, palagi silang ikinakabit sa POGO hub, kung saan bawal ang mga Pinoy na pumasok, maliban lang sa mga construction worker o iba pang trabahador na hindi related sa POGO. Mismooo!
Kaya lang ipinakita ng Remulla brothers na wala na silang relasyon sa POGO hub nang ipasara nila ito. Abangan!
- Latest