^

PSN Opinyon

Socmed Influencer, nagpabawas ng mga tadyang para sumeksi; tinanggal na mga tadyang gagawing korona!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG 27-anyos na social media influencer mula Kansas City, Missouri, U.S.A. ang gumulat sa internet matapos niyang ipaopera ang kanyang katawan para alisin ang anim na tadyang sa halagang $17,000 (humigit-kumulang P900,000).

Layunin ni Emily James na magkaroon ng mas maliit na baywang, ngunit mas naging kontrobersiyal ang kanyang plano kung ano ang gagawin niya sa mga ipinatanggal na buto dahil balak niya gawing korona ang mga ito!

Ayon kay James, pinayagan siya ng mga doktor na iuwi mula ospital ang anim na piraso ng tadyang.

Una niyang balak sa mga ito ay iregalo sa kanyang matalik na kaibigan. Pero nagbago ang kanyang plano at naisipang gawing simbolo ng kanyang body transformation journey ang mga buto sa pamamagitan ng isang kakaibang korona.

“Ito ang paraan ko ng paggunita sa prosesong pinagdaanan ko,” ani James. Habang nagpapagaling mula sa operasyon, kinailangang niyang magsuot ng corset buong araw upang mabawasan ang pamamaga sa inoperahang bahagi ng kanyang katawan.

Bukod sa rib removal, sumailalim din si James sa breast augmentation at aktibo niyang ibinahagi ang kanyang karanasan sa social media.

Sa kabila ng mga panlalait at puna ng mga netizens, nananatiling matatag siya sa kanyang mga desisyon. “Mara­ming ­bashers na nagmumungkahi na ilaga ito para makagawa ng sabaw o ‘di kaya’y gawing chew toy ng mga aso. Ngunit para sa akin, ang mga ito ay mas mainam na simbolo ng ­aking paglalakbay,” aniya.

Hindi rin pinalampas ni James ang pagkakataon na sagutin ang mga kritisismo tungkol sa kanyang pagpaparetoke. “Gagawin ko kung ano ang gusto ko sa sarili kong pera at katawan,” matapang niyang pahayag.

Ikinumpara rin niya ito sa mga kababaihan na nagpapatangos ng ilong na ayon sa kanya ay parehong pagpapahayag ng personal na kalayaan at kagustuhan.

Samantala, inamin ni James na hindi siya sigurado kung sulit ang operasyon, lalo na’t nagkaroon siya ng komplikasyon sa paggaling.

Gayunman, sinabi niyang masaya siyang makita ang mga resulta at handang harapin ang mga haters na bumabatikos sa kanya.

“Hindi binabago ng operasyon ko ang katotohanang isa akong mabait at mapagmahal na tao,” dagdag pa niya.

TADYANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with