Makati: A better city for a better future
Sa bawat hakbang na ating tinahak, hindi ko mapigilang maging sobrang proud sa ating lungsod. Sa tulong ng inyong suporta at pagtutulungan, nagawa nating gawing mas maayos, mas ligtas, at mas makabago ang Makati. Narito ang ilan sa mga notable achievements na sama-sama nating naabot.
Sa larangan ng kalikasan, pinatunayan nating posible ang pagbabago. Sa ilalim ng Urban Greening Program, nakapagtanim tayo ng mahigit 5,500 puno at inalagaan ang 17 pampublikong parke. Naglatag din tayo ng ambisyosong layunin sa ilalim ng GHG Reduction Ordinance: bawasan ang emissions ng 39% pagsapit ng 2030 at maging carbon neutral pagsapit ng 2050.
Pagdating sa kaligtasan, ginawa nating mas handa ang Makati laban sa anumang hamon. Naglagay tayo ng 868 CCTV cameras, 16 automatic rain gauges, at 7 automated weather stations para sa mas epektibong disaster monitoring. Sa tulong ng Maka-SOS app at Intelligent Operations Center, mas mabilis ang emergency response. Bukod dito, itinayo natin ang bago at makabagong police at fire headquarters na nagbibigay ng mas mahusay na suporta sa Central Business District (CBD). Ikinararangal nating kinilala ang ating kapulisan bilang Best City Police Station in the Southern Police District.
Sa imprastraktura, tinutukan natin ang paglikha ng mas sustainable na lungsod. Nakapagpatayo tayo ng 14 pampublikong gusali, kabilang ang barangay halls at health centers. Sa ilalim ng Makati Drainage Master Plan, nabawasan ang pagbaha, at ang solar panels sa mga public schools ay patunay ng ating dedikasyon sa renewable energy. Bukod dito, pinabilis natin ang serbisyo gamit ang online platforms para sa building at occupancy permits.
Ang lahat ng proyektong ito ay isinakatuparan upang gawing mas maayos, mas ligtas, at mas makabago ang ating pamayanan. Ang mga nagawa nating ito—mula sa greener na kapaligiran hanggang sa modernong imprastraktura—ay patunay na kaya nating makamit ang tunay na progreso.
Ngunit higit pa sa mga numero at proyektong naisakatuparan, naniniwala akong ang Makati ay maaring maging modelo para sa tagumpay ng iba pang lungsod sa ating bansa.
Ang ating mga programang naglalayong maghatid ng seguridad, pag-unlad sa kalikasan, imprastraktura, at teknolohiya ay maaaring ulitin at ipatupad ng iba pang mga lungsod upang makamit din nila ang tagumpay na natamasa natin.
Ang ating modelo ng governance ay nagpapakita na ang mahusay na pamumuno at pagtutulungan ay susi sa isang mas maunlad na komunidad. Kaya mga Proud Makatizens, tuloy-tuloy natin ang ating pagsisikap upang gawing mas mahusay ang ating lungsod at maging inspirasyon para sa iba.
- Latest