Jose Rizal for President
Lubha nating hinangaan si Gat Jose Rizal dahil sa kanyang namumukod tanging pagmamahal sa bayan. Gayundin naman ang iba pang bayani ng lahi tulad ni Andres Bonifacio.
Ituring man na kabaliwan ang aking iniisip dahil imposibleng mangyari—kung sila kaya ay muling mabuhay at palaring mamuno sa bansa, wala kayang mga usapin ng katiwalian ang ibabato sa kanila? Kung imposibleng mangyari, yun man lang may isilang na mga taong kasintalino nila at kasindakila ang layunin.
Para sa’kin tiyak mayroong wawasak sa kanila.
Ang mga may dalisay na layuning linisin ang pamahalaan at lipunan sa mga kasamaan ay pihong maraming makakalabang kampon ng kadiliman. Mga masasamang nilalang na ang pinakasibol ng pinagkakakitaan ay pagnanakaw at ibang uri ng krimen.
Ngunit tayong mga mamamayan ay may angking likas na pagkakilala sa kasamaang dapat masupil. Kahit ang mga tinatawag nating “corrupt officials” ay nagkaroon ng punto sa kanilang buhay noong araw nang nais nilang maging bahagi sa krusada laban sa mga katiwalian sa lipunan.
Subalit nang makarating sa rurok ng panunungkulan, kagyat nalimot ang dakilang simulain, nilamon ng bulok na sistema at nakabilang sa mga matatawag nating salot ng pamahalaan.
- Latest