^

PSN Opinyon

Pinakamatagal na Traslacion

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Nagkasakitan ang mga pulis at deboto ng Poong Hesus Nazareno noong Huwebes habang isinasagawa ang Traslacion. Mahigit 500 ang nasaktan. Nagkagirian ang dalawang pangkat ng deboto habang nasa Ayala Bridge.

Naging mabilis ang mga pulis para mapigilan ang kaguluhan kaya ilan sa kanila ang nasaktan. May ilang pulis na nasugatan sa ulo at mukha.

Nalaman ko na inabot ng 21 oras ang Traslacion. Ito ang napakatagal na Traslacion sa kasaysayan.

Ang hindi mapigilang pagsampa ng mga deboto sa andas ng Nazareno ang dahilan kaya nagkainitan ang mga dalawang pangkat ng deboto. Kahit kasi binago ang desenyo ng andas ay marami pa ring nakaakyat para magpahid ng puting tuwalya.

Palagay ko, hindi na maaalis ang nakasanayan nang pag-akyat sa andas para maipahid ang tuwalya. Kung gustong huwag makaaakyat ang mga deboto sa andas, e di i-airlift na lang ang andas mula sa Quirino Grandstand hanggang sa Simbahan ng Quiapo. Ano sa palagay n’yo?

Kaya ang resulta walang saysay ang bagong andas dahil marami ring nakaakyat para magpahid ng tuwalya. Marami ring nasugatan dahil nahuhulog sa andas at ­bumabagsak ang katawan sa mga kapwa deboto. Marami ang nahilo dahil sa sobrang pagsisiksikan at pagbabalyahan para makahawak sa lubid.

Dahil sa dami nang nakahawak sa lubid, naputol ito at naging dahilan para maantala ang Traslacion. Ilang beses ding tumagilid ang andas dahil sa dami ng umaakyat.

Maraming deboto ang gustong makaakyat sa andas dahil naniniwala sila na ang kahilingan sa Poon Nazareno ay makakamtan. Ang mga debotong gustong makahalik sa Poon ay naniniwalang matutupad ang kanilang kahilingan.

Sa kabuuan, naging matiwasay naman ang Traslacion. Walang nagtangkang manggulo. Naipatupad ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang kaayusan sa buong Traslacion.

Hindi lang PNP ang nagpatupad ng kaayusan kundi pati ang Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, at Metro Manila Development Authority, Fire Volunteeers of the Philippines at Philippine National Red Cross.

Malaking tulong din ang ibinahagi ng MPD sa pangunguna ni BGen. Arnold Thomas Ibay. Maging ang mga kawani ng Department of Public Safety ng Maynila ay nakabuntot sa traslacion at nililinis ang kalat ng basura na iniwan ng mga deboto.

Pero sa kabila na may mga naglilinis, tambak pa rin ang basura sa Maynila at nilalangaw. Hangang ngayon marami pa rin tambak ng basura na iniwan ng mga deboto.

Sa susunod na traslacion 2026, sana maging maayos na ang lahat. Paghandaan sana ang kapistahan. Huwag ding mag-iwan ng basura ang mga deboto.

SUS NAZARENO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with