^

PSN Opinyon

NCRPO, nakatutok sa seguridad ng Traslacion!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

DAHIL sa safe, secure at meaningful holiday celebration sa Metro Manila, maganda ang pasok ng taong 2025 kay NCRPO chief Brig. Gen. Anthony Aberin. Hamakin n’yo, zero crime sa ginanap na Simbang Gabi. Bumaba ng 11.94 percent ang crime rate sa Metro Manila noong December.

Higit sa lahat, bumaba ng 50 percent ang stray bullet incidents sa pagsalubong ng 2025, kasama na ang pagbaba ng firecracker incidents ng 28 percent. Anong sey n’yo mga kosa? Teka, teka, may tumaas naman sa Metro Manila at ‘yan ay ang accomplishments ng NCRPO sa kampanya vs droga.

Ang accomplishments ni Aberin ay dahil sa police dep­loyment sa strategic areas ng Metro Manila, lalo na ‘yung tinatawag na crime prone areas. Mismooo! Hehehe! Ka­sama na kaya si Aberin sa mga PNP officials na tumatanghod sa petsang February 6? Ang sakit sa bangs nito!

Matapos ang Christmas holidays, nakatutok na naman si Aberin sa security ng Kapistahan ng Nazareno sa Enero 9. Ayon kay Aberin, aabot sa 14,474 na pulis ang i-deploy sa nasabing okasyon, na dadagsain ng milyun-milyong deboto ng Black Nazarene.

Ang mga pulis mga kosa, ay magsasagawa ng anti-crime operations, at sa tulong ng komunidad, ay sisiguruhing­ ang mga kriminal ay hindi makapag-operate. Sanamagan!

Iginiit ni Aberin na may iilang modification lang ang i-implement ng NCRPO sa kanilang security operations sa Christmas holidays sa seguridad ng Traslacion.

Sinabi ni Aberin na aabot sa 12,168 personnel ang mag­bibigay seguridad sa ruta ng Traslacion, at ang 2,306 naman ay manggagaling sa iba’t ibang ahensiya ng gob­yerno. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Inamin naman ni MPD director Brig. Gen. Arnold Thomas Ibay na maraming activities sa may Quiapo area  sa linggong ito kaya’t tuluy-tuloy lang ang kanilang tinatawag na skeletal deployment. Subalit pagdating ng Enero 8, full dep­loyment na sila, ani Ibay, at kasama na rito ang contingent ni PRO3 director Brig. Gen. Red Maranan, ng PRO4-A ni Brig. Gen. Kenneth Lucas at ng Special Action Force.

At dahil sa heightened alert status ng NCPRO, ang lahat ng leaves, furlough at days off ng mga pulis ay cancelled, ang dagdag pa ni Ibay. Aniya ang intel community ay wala pang na-monitor na threats sa okasyon.

“But we are not be keeping our guards down. Security posture namin na from hereon, until D-Day, we will be on the highest form of alert,” ani Ibay. Dipugaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Kung magkakaroon ng signal interruption sa oras ng Traslacion, sinabi ni Ibay na hindi niya saklaw ang naturang isyu. Nitong nakaraang Traslacion kasi mga kosa, nagkaroon ng signal interruption para maiwasan ang paggamit ng mga gadgets para sa bomba o anomang explosives.

“That is not for us to decide upon. Nire-request namin but it will be up to the higher-ups if magkaroon ba ng signal interruption,” ang pahayag ni Ibay sa isang press briefing, kasama si Manila Mayor Honey Lacuna.

Magkakaroon ng panibagong walk-through ang MPD sa ruta ng Traslacion bago ang Enero 9. Tungkol naman sa road closure, sinabi ni Ibay, na i-implement ito sa bisperas ng Traslacion sa lugar na tinatawag nilang control-points para hindi makapasok ang mga unauthorized na sasakyan sa area. Abangan

HOLIDAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with