Sunshine at Atong, sabay nakipagputukan
Hindi na maba-bash ng netizens si Sunshine Cruz sa Instagram ng aktres dahil limited na ang puwedeng makapag-comment. Inis na inis tiyak ang netizens na paulit-ulit din naman ang akusasyon sa kanya na kayamanan lang ni Atong Ang ang habol niya sa boyfriend.
Pero iyong comment box ng IG ni Sunshine na hindi nasama sa paglilimita niya ng makakapag-comment, hindi maaanghang ang mga sinasabi. Kaya nang palampasin ni Sunshine ang comment na “alagang mayaman,” “suwerte ni Atong” at “Atong with care.”
Samantala, magkasamang sinalubong nina Sunshine at Atong ang New Year at sa report, dinala ni Atong ang girlfriend sa kanyang villa na nasa isang hotel.
Sa video, nakita ang nakalagay sa entrance ng villa na “Chairman’s Villa.” Ibig sabihin, chairman sa nasabing hotel si Atong at kung anong hotel ito, dinidiskubre pa.
Anyway, kasama nila sa New Year celebration ang mga anak ni Sunshine. Kasama rin si Ruffa Gutierrez at ang anak nitong si Lorin. Sa short clip na aming napanood, tinanong ni Ruffa kung happy si Sunshine na “Of course” ang sagot.
Nang tanungin ni Ruffa ng “why are you happy?” “Secret” ang sagot ni Sunshine at isang magandang ngiti.
Ruru at Bianca, nire-request sa bubuhayin ang movie nina Dingdong at Iza!
Magkakaroon ng sequel ang hit movie ng GMA Films na Moments of Love na pinagbidahan nina Iza Calzado, Karylle at Dingdong Dantes. After 20 years mula nang mapanood ang nasabing pelikula ni director Mark Reyes, ibabalik ito ng GMA Pictures at ang complete title ay Moments of Love On Borrowed Time.
Hindi pa in-announce ang bubuo sa cast at gaganap sa mga role na ginampanan nina Iza, Karylle at Dingdong. May mga request ang Kapuso fans na sina Ruru Madrid at Bianca Umali ang kunin to play Dingdong and Iza’s role. Ang role ni Karylle ay puwede raw kay Kyline Alcantara.
‘Katuwa na pati ang netizens nagka-casting na rin ng gusto nilang gumanap sa sequel nang nasabing pelikula. Tingnan natin kung pakikinggan sila ng GMA Pictures sa request nilang ito.
Uninvited, nasa ibang bansa na!
Going international ang ilang entries sa katatapos na 2024 Metro Manila Film Festival. In-announce ni Bryan Dy ng Mentorque Productions ang international screening ng Uninvited. In fact, nagsimula na kahapon, Jan. 2, 2025 ang international screening sa UAE, Bahrain at Qatar.
Sa Jan. 10 ang simula ng screening sa USA at Canada. Susunod sa Malta sa Jan. 19. Sa Jan. 26, naman ang screening sa Paris, France.
To be announced ang screening dates sa Thailand, Singapore, Hong Kong at Italy. For sure, may mga susunod pang schedule sa ibang bansa. May mga request na nga ang mga kababayan natin sa ibang bansa na ipalabas din sa lugar nila ang pelikula.
Hindi nabanggit ni Bryan kung dadalo sina Aga Muhlach, Nadine Lustre at Vilma Santos tuwing may international screening ang movie.
Matutuwa kung sakali ang mga kababayan natin na makita ang cast ng movie o kahit isa o dalawa sa kanila.
- Latest