^

PSN Opinyon

Mga pagkaing lunas para sa constipation

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

NARITO ang aking mga payo para makaiwas sa constipation (pagtitibi):

1. Uminom ng walo hanggang 10 basong tubig bawat araw.

2 .Igalaw-galaw ang katawan. Sanayan ang sarili na dumumi sa takdang oras.

3. Malaking tulong ang mga prutas para lumambot ang dumi. Kumain ng mga prutas tulad ng papaya, pakwan at peras.

4. Kumain din ng iba’t ibang gulay na mataas sa fiber. Heto ang puwede n’yong subukan:

a. Berdeng gulay tulad ng kangkong, spinach, pechay, malunggay at talbos ng kamote. Mataas ang gulay sa fiber na makatutulong sa pagiging regular ng pagdumi. Ang spi­nach ay may sangkap na magnesium na nagpapabilis ng galaw ng bituka para makarumi.

b. Okra – Sa mga gulay, kakaiba ang epekto ng okra para mapalambot ang dumi. Ang okra ay may malapot na likido na nagpapadulas sa pagdaan ng dumi. Ang balat ng okra ay mataas sa fiber na nagbibigay ng anyo (o porma) sa dumi. Dahil dito, mas bibilis ang paggalaw ng dumi. Piliin lamang ang okra na wala pang 4 na pulgada (4 inches) para malambot pa ito kainin.

k. Oatmeal – Puwede kang kumain ng isang tasang oatmeal sa umaga. May sangkap itong beta-glucan (isang soluble fiber) na nagtatanggal ng kolesterol sa ating kata­wan at makatutulong din sa pagdumi.

d. Yogurt – Ang yogurt ay may taglay na mabuting bacteria (good bacteria) na may benepisyo sa ating tiyan at bituka.

e. Tubig – Napakahalaga ang pag-inom ng sapat na tubig para sa mga nagtitibi. 5.Ang mga pagkaing mataas sa fiber, tulad ng gulay, prutas at oatmeal, ay kailangang humalo muna sa tubig para maging malambot ang dumi.

6. Kapag kulang sa tubig, siguradong titigas ang dumi kaya uminom nang maraming tubig.

7.May iba pang pagkaing mataas sa fiber tulad ng brown rice. Pero kung hindi sanay sa pagkain nito ay baka magtae ka naman. Dahan-dahanin lang muna ang pagkain nito para masanay ang tiyan.

* * *

Urinary tract infection

Ang urinary tract infection (UTI) ay impeksyon sa kidneys, ureters, pantog (bladder) o urethra. Ang gamutan ay antibiotics at baguhin ang lifestyle o kinagawian.

Gumamit ng mild soap o hindi matapang na sabon panlinis ng pwerta. Sa mga babae ay ang tamang pagpunas sa pag-ihi ay simula sa harap muna papuntang puwitan. Mali kung simula sa puwitan papuntang harapan.

Uminom nang maraming fluids para ma-flush out ang mga bacteria.

Magsuot ng mas maluwag na pantalon at cotton na underwear para mas mahangin. Habang naka-antibiotics ay mainam kumain ng yogurt.

Ang pyelonephritis naman ay impeksyon sa kidney mula sa bacteria. Ang pasyente ay nilalagnat, masakit ang balakang, madalas umihi, o merong dugo sa ihi.

Pag may bato sa bato (kidney stones), magbawas sa matinding ehersisyo tulad ng mahabang pagtakbo at hazing.

Sa urine test o urinalysis, sinasahod ang midtsream o gitnang labas ng ihi na may dami na mga 10 ml at ibibigay sa laboratoryo.

Problema sa pag-ihi:

Kapag nahihirapang umihi, maaaring may kaba o depende sa lokasyon kung saan umiihi. Sa lalaki, puwedeng lumaki ang prostate gland at naiipit ang tubo sa pag-ihi, o may kanser sa prostate o prostatitis. Pwede din may problema sa urethra dahil may impeksiyon, sugat o dumaan na bato.

Kapag madalas umiihi (polyuria) ay maaaring dahil uminom ng kape, tsaa, alak, buntis, natatakot, o may impeksyon sa pantog.

Ang may diabetes ay madalas maihi, may rashes at yeast infection, at minsan ay may bladder prolapse o buwa (pelvic organ prolapse). Kung umiinom ng gamot na pampaihi ay madalas din mapapaihi.

May pagkakataon ng konti ang ihi (oliguria) pag may glomerulonephritis, kidney failure o dehydration kung nagtatae.

Dagdag kaalaman:

Ang glomerulonephritis ay pagkasira ng pansala (Glomeruli) ng kidneys. Maaring bigla o acute glomerulonephritis, o matagal na o chronic glomerulonephritis.

Ang prostatitis ay impeksyon sa prostate.

DOC WILLIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with