Makulay at better na pagsalubong sa Bagong Taon, Makati style!
Proud Makatizens, handa na ba kayo? Sa darating na Disyembre 31, itaas na natin ang antas ng kasiyahan at pagsasama sa Ayala Avenue New Year’s Eve Countdown to 2025—RADIATING ON TOP!
Ang intersection ng Ayala Avenue at Makati Avenue, malapit sa Ayala Triangle Gardens, ang magiging sentro ng selebrasyon ngayong taon. Kasama ang ilan sa pinakamagagaling na Filipino artists tulad ng BINI, Bamboo, Lola Amour, Gloc-9, at marami pang iba, inaasahang magiging makulay at puno ng sigla ang gabing ito.
Libre ang General Admission kaya’t siguraduhing kasama ang buong pamilya, mga kaibigan, at mahal sa buhay sa kasiyahan. Simula pa lang ng tanghali, 12NN, ay bukas na ang mga gates at food booths para sa inyong convenience. Maghanda para sa concert proper na magsisimula ng 6:00 p.m.
Bilang inyong mayor, nais kong maging espesyal ang pagsalubong sa Bagong Taon para sa inyong lahat. Ang RADIATING ON TOP ay hindi lamang isang countdown, kundi isang masayang okasyon upang magdiwang, magsama-sama, at magpasalamat sa mga biyaya ng nakaraang taon. Layunin nating salubungin ang 2025 na may bagong sigla at inspirasyon habang pinapalakas pa ang ating pagkakaisa bilang isang komunidad.
Ang engrandeng event na ito ay resulta ng matatag na partnership ng Ayala Land, Make It Makati, at ng lokal na pamahalaan ng Makati, kasama ang suporta ng maraming institusyon. Ang ating pagsasama-sama at pagtutulungan ay patuloy na nagpapalakas sa resiliency at sustainable development ng ating lungsod.
Bukod sa musika at entertainment, abangan ang makapigil-hiningang fireworks display na tiyak na magpapaliwanag sa ating skyline at magbibigay-inspirasyon sa pagsisimula ng panibagong taon.
Mga Proud Makatizens, samahan ninyo kami nina Cong Luis at Martina sa isang gabi ng saya at selebrasyon. Sama-sama nating salubungin ang 2025 nang may pusong puno ng pagmamahal, pasasalamat, at pag-asa. Kitakits sa Ayala Avenue!
- Latest