Bagong Taon
PAPALAPIT na ang Bagong Taon! Oo at tapos na ang taong 2024, heto na ang bagong taon 2025. Tatlong tulog na lang at magpapalit na ang kalendaryo.
Haharapin na natin ang panibagong hamon. Nasa sa atin na kung ano ang mangyayari sa atin sa hinaharap. Maraming puwedeng mangyari.
Ang paparating na 2025 ay maraming kaganapan, kabilang ang halalan sa Mayo. Darating na ang mga kung sinu-sinong pulitikong tatakbo.
Nasa atin kung sinu-sino ang napipisil iboto. Lahat naman ay sasang-ayon pa rin sa kung anong mangyayari sa 2025.
Maraming nangyari sa 2024 na hindi malilimutan. Nagkaroon ng bangayan sa Kongreso at Senado.
Sinampahan ng tatlong impeachment cases si Vice President Sara Duterte. Sabi, tatayong isa sa counsel ni Sara ang kanyang ama na si dating President Digong.
Ang unang impeachment complaint laban kay VP Sara ay inihain ng civil society organizations na pinangunahan ni Akbayan party-list Rep. Percival Cendaña noong Disyembre 2.
Ang ikalawang impeachment complaint ay inihain noong Disyembre 4 sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan.
Ang ikatlong impeachment complaint ay inihain ng religious groups at mga abogado noong Disyembre 19 na pinangunahan ni Atty. Amando Virgil Ligutan, counsel ng complainants.
Ang pagsasampa ng impeachment ay nag-ugat sa mga isinagawang imbestigasyon ng House committee on good government and public accountability sa Office of the Vice President at Department of Education na dating pinamunuan ni Sara dahil sa umano’y misuse sa confidential funds.
May nakaamba namang separate cases laban sa kanyang amang si dating President Rordrigo Duterte. May kaugnayan sa crime against humanity ang isasampa kay Digong.
Bagong Taon na. Ano ang kahihinatnan ng mga ito sa 2025?
- Latest