^

PSN Opinyon

Klase ng headache sat tamang gagawin

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Tension headache – Pakiramdam na parang may headband sa noo at mahigpit o masikip sa noo at likod ng ulo. Kapag hinawakan ang balat, masakit sa anit, leeg o balikat dahil sa stress, galit, pag-aalala, lungkot at kaba.

2. Migraine headache – Minsan, masakit sa kalahating parte ng ulo, nahihilo o parang nasusuka, sensitibo sa liwanag, ingay at parang pagod. Gayundin may “aura” o warning­ signs na para bang umiilaw o blank spots o iba’t ibang kulay ang nakikita.

3. Cluster headache – Ang sakit na pumupunta sa may mata, mukha, ulo, leeg at balikat. Sa isang parte lang nakararanas ng pagluluha at mapula ang mata, may sipon, at sobra ang sakit.

Kadalasan sumasakit din ang ulo ng mga bata at teenagers sa ilang kadahilan tulad ng stress sa eskuwela, ka­ibigan at pamilya. Minsan, masakit ang ngipin, o may impek­siyon sa taynga o lalamunan.

Mga gagawin kung may headache:

1. Kung migraine headache, iwasan ang triggers na pag­­kain, kumain ng regular tatlong beses sa isang araw at uminom­ ng sapat na tubig.

2. Magkaroon ng sapat na tulog. Huwag magpupuyat.

3. Kung mag-eehersisyo, piliin lamang ang kaya ng inyong katawan o iyong mga magagaan lamang.

4. Relaxation technique: magpamasahe, meditation, at ang pagligo ng maligamgam na tubig ay may tulong para maba­wasan ang sakit ng ulo.

5. Cold compress para sa masakit na ulo. Warm compress sa masakit na muscle.

6. Iwasan ang sobrang mapagod, pati na ang sobrang lamig o init.

7. Kumunsulta sa doktor o neurologist kung sobra ang sakit ng ulo, sobrang hilo, nagsusuka, walang balanse, may mataas na lagnat, at kung nawalan ng malay.

HEADACHE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with