Dennis, sanay nang murahin!
Magkahalong emosyon ang nararamdaman ni Dennis Trillo sa pagtatapos ng Pulang Araw ngayong Biyernes. Ginampanan ng Kapuso actor ang karakter ni Col. Yuta Saitoh na kontrabida sa magwawakag na serye ng GMA Network. “Maraming mga nagagalit talaga. Minsan talagang hindi nila maiiwasan na magsabi ng mga ano… minsan minumura na ako. Natutuwa rin naman ako dahil sa ganoon nakikita ko naman na effective ‘yung ginagawa kong pag-portray sa character bilang kontrabida,” nakangiting pahayag sa amin ni Dennis sa Fast Talk with Boy Abunda.
Simula ngayong araw ay mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang Green Bones na pinagbibidahan nina Dennis at Ruru Madrid. Napagsabay umano ni Dennis ang shooting ng naturang Metro Manila Film Festival 2024 entry at ang taping ng Pulang Araw. Ginampanan ng aktor ang karakter ni Domingo Zamora sa bagong proyekto. “Nagkasabay silang dalawa, nag-overlap. Madalas naglalagari ako from set to set, from location to location. Madalas malalayo ‘yung location namin. Siguro bukod doon sa talento, ang pinaka-talent siguro do’n bukod sa pagiging aktor ay ‘yung mabilis kang mag-switch off sa mga characters na ginagawa mo,” pagbabahagi niya.
Puspusang pag-aaral ang ginawa ni Dennis para sa kanyang karakter sa MMFF entry.
Hindi naging mahirap para sa aktor ang trabaho dahil palagi siyang nakahandang dumarating sa set ng pelikula. “Well, siguro mas madali kumpara sa iba dahil siguro importante na makilala mo ‘yung mga characters na ginagawa mo. And ‘pag alam mo na ‘yung character na ipo-portray mo ‘pag nandoon ka na sa set na ‘yon. Madali mo nang i-adjust ‘yung mga kailangan mong gawin dahil kilalang-kilala mo na siya,” paliwanag ng Kapuso actor.
Juday, duda pa rin sa sarili
Mag-aapat na dekada nang aktibo si Judy Ann Santos sa show business. Maituturing na isang icon ang aktres sa industriyang kanyang ginagalawan. “Mukha naman akong tanga kung sasabihin kong hindi ako flattered. I want to think that it’s really positive na masabihan ka nang ganoon. Maaaring tumatak na ‘yung mga work mo sa kanila. For them to consider you such as that, of course, I’m flattered. Gusto ko lang maging klaro na hindi ako ang nagbansag niyan sa akin. I appreciate it. Ayaw ko lang siyang itatak (sa isipan),” bungad ni Judy Ann.
Sa loob ng halos 40 taon ay talagang namayagpag ang karera ng Young Superstar. Malaki ang pasasalamat ni Juday dahil patuloy siyang nakagagawa ng iba’t ibang proyekto hanggang ngayon. “Sobra akong grateful. Sobra kong na-appreciate lahat ng mayroon ako ngayon. Kung hindi naman dahil sa popularity, diyan papasok ang endorsements and all, diyan ka makakaipon. Pero sa ugali, hindi ako naniniwala na sikat ako. Hindi ako naniniwala na reyna ako. May doubts pa rin ako sa sarili ko. And I think that’s a good thing. Naniniwala akong tao ako na nagtatrabaho lang din ako,” makahulugang paglalahad ng aktres.
Sa mga nakalipas na dekada ay hindi umano binago ng katanyagan si Judy Ann. “Feeling ko hindi ako nabago ng fame for the simple reason na hindi ko naman alam na naging famous ako. Hindi ko naikabit sa utak ko na sikat na sikat ako hanggang ngayon. Hindi ko kahit kailan sinabi ko sa sarili ko na, ‘Oh my God! Ayaw kong bumaba rito, sobrang sikat ako, baka pagkaguluhan ako.’ Hindi ko lang siya naramdaman, nagtatrabaho ka lang. Kapag nasa utak mo ay nagtatrabaho ka lang, ‘yung fame ay bonus na lang,” giit ng Young Superstar. — Reports from JCC
- Latest