Landian nina Maris / Anthony at Momol nina Elisse at Joshua, may mas malala?!
Masayang nag-bonding ang magkarelasyong McCoy de Leon at Elisse Joson at kanilang anak na si Felize.
Laking tuwa ng mga tagahanga nila nang kumalat ang litrato ng pamilya nila at sinabing nag-bonding daw ang mga ito sa Intramuros.
Nagpa-bless din daw sila sa pari sa Quiapo church na makikita sa mga litrato nila kung saan pini-pray over sila isa-isa.
Mukhang ito ang sagot nila sa ispekulasyong hiwalay na sila.
Naiintriga kasi ang magkarelasyong break na matapos ang kontrobersiyang nag-MOMOL (make out make out lang) daw ang aktres at ang aktor na si Joshua Garcia sa Star Magic Christmas Ball kamakailan.
Marami ang nag-akalang hiwalay na nga ang dalawa dahil ayon nga sa mga bali-balita ay galit na galit daw ang Batang Quiapo actor sa nangyari sa karelasyon at kay Joshua. Nagbanta pa raw ito sa rumored boyfriend ni Emilienne Vigier.
Wala namang nagsalita kina Elisse at Joshua tungkol sa kontrobersiya.
Mukhang malabo rin daw na totoo iyon na mangyari sa rami ng tao sa event.
Pero kahit na nakita na ng mga netizen na magkasama ang dalawa ay meron pa rin silang ispekulasyon na baka raw hiwalay na naman talaga at baka para sa bata na lang ang pagkakasundo nila.
Depensa naman ng iba ay huwag basta-basta magpapaniwala sa fake news. Hangga’t walang kumpirmasyon sa dalawa na hiwalay na sila ay huwag muna maniniwala.
Hindi nga rin daw basehan ang hindi pagpo-post ng dalawa sa social media nang magkasama dahil maaaring gusto rin nilang maging pribado ang relasyon nila. Sa iisang bahay pa nga raw ang mga ito nakatira kaya walang katotohanan na hiwalay raw ang mga ito.
At sey nga ng iba mukhang pantakip lang ang MOMOL nila sa kontrobersiya nina Maris Racal at Anthony Jennings kung saan sumabog ang landian ng dalawa habang karelasyon pa ng aktor ang ex nitong non-showbiz.
‘Kalokang mga ‘bata’ ito.
Pero sa totoo lang, hindi lang naman sila ang mga naglandian noh. Naku may alam akong mas malala pa sa ginawa nila pero ‘di ko sasabihin.
Hahaha.
Babu at Merry Christmas sa inyong lahat.
- Latest