^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Nasaan na ang mga nakumpiskang shabu?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Nasaan na ang mga nakumpiskang shabu?

IPINAGMALAKI ng Philippine National Police (PNP) na ngayong 2024, nakakumpiska sila nang mahigit P20 bilyong halaga ng illegal drugs na kinabibilangan­ ng shabu, marijuana, ecstasy, cocaine, ketamine at kush. Sa nasabing drug operations sa buong bansa, nakaaresto ang PNP ng 57,129 na personali­dad­ at kinasuhan na umano nila. Mula Enero 1 hang­gang Dis­yembre 15 ng taong kasalukuyan, nakapagsagawa ang PNP ng 46,821 anti-drugs operaions. Sabi ni PNP chief Gen. Rommel Marbil ang kanilang maigting na drug operations ang dahilan kaya matagumpay ang kampanya laban sa illegal na droga.

May katwirang magsaya si Marbil sapagkat malaki naman talaga ang volume ng droga na kanilang na­kumpiska ngayong taon. Sa matagumpay na pagka­kakumpiska ng P20 bilyong halaga ng shabu nga­yong taon na ito, maraming kabataan at propesyunal ang nailigtas sa pagkalulong sa illegal na droga. Mabigat ang problema ng bansa na may kaugnayan sa droga.

Noong nakaraang taon, sinabi ng Malacañang na P10.41 bilyong halaga ng illegal drugs ang nakum­piska ng gobyerno mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2023. Umabot naman sa 27,000 barangays ang nalinis sa droga. Ayon sa PNP, nasa 56,495 drug suspects ang naaresto sa isinagawang 44,000 anti-illegal drug operations. Katulong ng PNP sa kampanya laban sa illegal drugs ang DILG, Dangerous Drugs Board at PDEA. May kabuuang 27,968 barangays ang nalinis sa droga, ayon sa PNP.

Kapuri-puri ang ginagawa ng PNP na drug operations. Isang malaking katanungan lang ay kung saan dinadala ng PNP ang napakaraming nakukumpiskang shabu at iba pang illegal drugs. Kumpleto ang datos ng PNP sa mga nakukumpiskang droga pero hindi naman nirereport kung saan inilalagay ang mga nakukumpiska. Dapat sabihin ng PNP ang ginagawa nila sa mga nakukumpiska upang hindi maghinala ang taumbayan.

Kung hindi sasabihin ang ginagawa sa mga naku­kumpiska, maaaring isipin ng taumbayan na nare-re­cycle ang shabu. Hindi naman kaila na maraming scalawags sa PNP na sangkot sa illegal drugs. Maba­banggit dito si dating MSgt. Rodolfo Mayo na nahulihan ng 990 kilos ng shabu noong 2021 na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon. Umano, nagre-recycle ng shabu si Mayo habang naka-assigned sa PNP Drug Enforcement Group (PDEG).

Isa sa dapat gawin para hindi ma-recycle ang droga­ na nakukumpiska, wasakin o lusawin na agad ito. Huwag nang itago sapagkat mainit ito sa mga mata ng scalawags na pulis. Matutuwa ang taumbayan kung sisirain agad ang droga.

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with