^

PSN Opinyon

Theme park tungkol sa COVID-19 pandemic, matatagpuan sa Vietnam!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Isang weird na theme park sa Da Lat, Vietnam ang umaani ng atensiyon online dahil sa kakaiba nitong tema—ang COVID-19 pandemic. Tinatawag itong “COVID-19 Park,” at bahagi ito ng Tuyen Lam Lake National Tourist Complex. Ang parke ay nag­lalaman ng higit sa 80 istatwa at installation na naglalarawan sa pandaigdigang laban kontra sa pandemya.

Kamakailan, naging­ viral ang post ng isang British tourist na si Ella Ribak, 29-anyos, matapos niyang iba­hagi ang kanyang karanasan sa parke. Sa video na kanyang ipinost sa TikTok, makikita ang mga kakaibang likha tulad ng malalaking­ pathogen na may googly eyes, mga virus na nakala­gay sa “kulungan”, at mga istatwa ng bakuna na tila tinatapos ang laban kontra virus.

“Napaka-weird ng tema nito,” sabi ni Ella sa kanyang mga post. Sa kanyang pag­lilibot, natuklasan niya ang mga detalyeng nagpapa­lakas sa pagiging ‘weird’ ng lugar, tulad ng isang orasan na nagtatampok ng mga simbolo ng pandemya—mga face mask, bakuna, at mga disin­fecting suit.

Isa sa mga pinakakapansin-pansing bahagi ng parke ay ang istatwa ng isang pathogen na may malalaking mata na nakakulong sa likod ng mga rehas. Mayroon ding eksena kung saan ang virus ay dala ang planet earth sa isang wheelbarrow. Bagamat may halong katatawanan, mara­ming nagtanong kung ang tema ba ng parke ay naaayon sa kaser­yosohan ng naging epekto ng pandemya.

Para naman kay Ella, ang kanyang pagbisita ay masasabing masaya, kahit hindi malinaw kung ano ang nais iparating ng parke. “Napakahirap tukuyin kung seryoso ba ito o hindi, pero nag-enjoy kami,” sabi niya.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with