DOJ, bahala na kay Digong
Para matigil na ang mga akusasyon na pulos pamumulitika lang ang mga akusasyon kay dating President Duterte, ipinaubaya na ni President Bongbong Marcos sa Department of Justice ang pagdedesisyon sa findings ng House quad committee tungkol sa madugong war on drug ng dating Presidente.
Tutal, si Duterte na mismo ang humamon sa imbestigasyon sa kanya ng komite na ipagharap siya ng karampatang demanda kung may sapat na ebidensyang mapipiga ang komite.
Tama naman siya. Crimes against humanity ang ikinakaso sa kanya at ilan pang kilalang personalidad tulad nina Sen. Ronald dela Rosa at Bong Go, malalapit na kaalyado ni Duterte mula pa nang ito ay nanunungkulang Presidente.
Natapos na ang imbestigasyon at naniniwala ang mga Kongresista na may matibay na kaso upang ma-convict ang dating Presidente. Maganda ang layunin ng imbestigasyon ngunit Ito’y nagdudulot ng pagkakahati ng mga Pilipinong patuloy na kumakampi kay Duterte at sa mga naniniwala sa akusasyon.
Ngayon, may rekomendasyon na ang komite at ayaw nang magkomento pa ni Marcos. Sapat na nga namang sabihin niya na ang DOJ ang gagawa ng pinal na desisyon kung kakasuhan si Duterte o hindi. At malamang na masasampahan siya ng kaso.
Sa ganang akin, yamang iginigiit ng pamahalaan na hindi na dapat ipasa sa International Criminal Court (ICC) ang kaso dahil gumagana ang sarili natin sa judicial system, mas mabuti kung dito na lang sa sarili nating bansa siya litisin.
Pagbibigay na rin iyan sa hiling ni Duterte na pormal na siyang idemanda imbes na patuloy madarang sa trial by publicity.
- Latest