Walang bisang kasal
Ang kasal ba na walang bisa sa simula pa ay isang depensa sa pag-uusig sa krimeng bigamy kahit walang deklarasyon ang korte na talagang walang bisa ang una o pangalawang kasal ng akusado? Ito ang sasagutin sa kaso ni Rudy.
Labing-anim na taon lang si Rudy nang siya’y ikasal ng mayor sa kanyang titser na si Mila. Nagkaanak sila pagkaraan ng isang taon. Pero pagkaraan ng 23 taon, hindi na umuuwi si Rudy sa kanilang tahanan.
Nang kinumpronta siya ni Mila, inamin niya na may iba na siyang kalaguyo na si Annie at sila ay kinasal na.
Kaya inakusahan ni Mila sa RTC si Rudy at Annie ng krimeng bigamya. Ngunit sinabi ni Rudy na hindi siya maaring idemanda at managot sa krimeng bigamya dahil parehong walang bisa ang dalawang kasal niya kay Mila at Annie. Sinabi rin niya na ang kasal niya kay Annie ay walang seremonya.
Depensa naman ni Annie na nalaman niya na si Rudy ay kasal pala kay Mila makaraan ang 12 taon matapos siyang ikasal kay Rudy, at kahit bago pa man siya dinemanda ng bigamya, nagpetisyon na siya sa korte na ipawalambisa ang kasal niya kay Rudy dahil nga ito ay bigamya.
Nagpasya at nagdeklara na ang RTC na bigamya nga at walang bisa ang kasal niya. Sinabi niya na ang desisyong ito ay naging pinal na dahil hindi inapela.
Pagkaraan ng paglilitis, hinatulan ng RTC si Rudy na maysala ng bigamya at pinawalang sala si Annie.
Ayon sa RTC ang unang kasal ni Rudy kay Mila ay napatunayan lang na walang lisensiya sa pamamagitan ng sertipikasyon ng civil registrar na ang lisensiya ay hindi na makita at hindi dahil walang lisensya ang kasal at ang marriage certificate ay nagpapakita lang ng numero ng lisensiya.
Ito ay higit na mataas na pruweba kaysa sa sertipikasyon lang ng civil registrar. Kinumpirma ito ng Court of Appeals (CA) at tinaasan pa ng parusa kay Rudy. Tama ba ang RTC at CA?
Sabi ng Supreme Court mali ang desisyon na may sala si Rudy. Ayon sa SC ang kasal na walang bisa sa simula pa ay balidong depensa nga sa paratang at pag-uusig ng krimeng bigamya.
Ang walang bisang kasal ay isang kasal na walang pormal o esensyal na rekisitos, o yung walang bisa dahil sa publikong patakaran ng walang bisa sa simula’t simula pa. Kaya wala talagang naganap na kasal.
Ayon sa Family Code, kailangan lang ang deklarasyon ng korte na ang kasal ay walang bisa upang magpakasal muli at di para depensa sa bigamya.
Sa pagwawalang bisa ng una o pangalawang kasal lang ito kinakailangan. Kaya tama ang RTC at CA (Pulido vs. People, G.R. 220149, July 27, 2021).
- Latest