^

PSN Opinyon

‘One Capiz’

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAMUDMOD ng tig-20 kilong bigas ang “One Capiz” sa pangunguna ni Capiz Gov. Freddeneil Castro sa mga Capi­zeños bilang pamasko. Kaya tuwang-tuwa ang mga Capi­zeños. Supersaya nila. Nagdatingan din ang mga kuma­kandidato na kapartido ni Castro. Naging matiwasay ang pamumudmod ng bigas.

Hangad ng mga kasapi ng ‘One Capiz’ na mai-promote ang tourism sa buong lalawigan. Sa Capiz nanggagaling ang mga matataba at sariwang alimango, sugpo, bangus, hipon at shells.

Ang pangunahing hanapbuhay ng mga ito ay ang pag-aalaga ng bangus, alimango, sugpo at hipon. Kapag yuma­bong ang tourism industry sa Capiz tiyak na maraming mga Capiznon ang magkakaroon ng hanapbuhay at aangat ang pamumuhay.

Teka lang, napag-alaman ko na irereklamo ang mabahong tubig sa gripo na sinusuplay sa mga consumers sa isang bayan sa Capiz na nasa District 2. Kapag dumagsa na ang turista sa lalawigan hindi malayong maamoy o malasahan ng mga ito ang tubig na isinusuplay ng isang water provider.

Ayon pa sa reklamo, matagal na itong problema subalit hindi sinosolusyunan. Sana maisaayos ito para hindi ma­apektuhan ang turismo ng Capiz.

***

Walang naiulat na krimen sa lahat ng sulok ng bansa sa unang araw ng Simbang Gabi. Mahusay ang ginawa ng Philippine National Police (PNP) na pagbabantay. Nasunod ang kautusan ni PNP chief General Rommel Marbil na bantayan ang mamamayan. Kaya magiging masaya at mapayapa ang Pasko.

Pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon, ang silebrasyon ng New People Army (NPA) at kapistahan ng Mahal na Poong Nazareno naman ang babantayan ng PNP. Sa pamumuno ni Marbil, makaaasa ang mamamayan na mapuprotektahan sila sa masasamang loob.

RICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with