Stress reliever ng pamilya OSORIO ROOFTOP & URBAN GARDEN
Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isang rooftop at urban garden sa Taguig City na magsisilbing inspirasyon, edukasyon at motibasyon sa iba sa pag-tatanim ng iba’t ibang uri ng halaman.
Ang aking tinutukoy ay ang Osorio Rooftop and Urban Ganden na pag-aari ni Josie “Jo” M. Osorio na makikita sa 55 MLQ St., New Lower Bicutan, Tuguig City.
Ayon kay Jo, ang kanilang rooftop garden ang siyang stress reliever ng kanilang pamilya lalo na ng kanyang anak na si Brent na isang autistic.
Isang beautician si Jo at on hands sa kanilang Jo Osorio Family Salon.
Aniya, sa tuwing dapit-hapon at gabi kapag magsasara na ang kanilang salon ay sa rooftop garden na siya nagpapalipas ng oras para magtanima at asikasuhin ang kanyang mga halaman.
“Bonding na rin namin ng pamilya ang pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman, nakakatipid kami ng malaki dahil hindi na kami bumibili ng gulay na aming kinakain, healthy pa ang pinagsasaluhan namin at nakakatulong pa kami sa pagpreserba sa Inang kalikasan,” sabi ni Jo.
Noong unang sumubok sa pagtatanim si Jo, mayroon siyang green house at hydroponics ang kanyang pamamaraan ng pagtatanim.
Pero nasira ng bagyo ang kanilang green house at ipinagpatuloy niya ang pagtatanim sa pamamagitan ng “conventional farming.”
“Hindi ako sumuko sa pagtatanim kahit noong una ay marami akong pagsubok na pinagdaraanan hanggang unti-unti ko rin na-perfect at napaganda ang halos lahat ng aking itinatanim,” pahayag pa ni Jo.
Sa pagbisita ng Masaganang Buhay Team sa rooftop garden ni Jo ay dinatnan namin ang kanyang napakaraming tanim na gulay at prutas.
Kasalukuyang namumunga ang kanyang mga tanim na ubas, kalamansi, avocado, ampalaya, talong, okra, sili, sitaw, kalabasa, dragon fruit, ube at iba pa.
Maganda rin ang mga tanim ni Jo na chinese kangkong, cherry tomatoes, mustasa, petchay, alukbati, blue turnate, pako at iba pa.
Pahayag pa ni Jo, hindi sila nawawalan ng tanim na okra dahil ang sariwang gulay na ito ang paboritong kainin ng kanyang anak na si Brent.
“Pagkapitas ng bu-nga ng okra ay kinakain ng anak kaya sa buong taon ay may tanim kami,” Sabi pa ni Jo.
Natural at organic farming ang pamamaraan ng pagtatanim at naglalagay siya ng ipa ng palay, vermicast at iba pa sa lupa na tinatamnan ng halaman.
Iniimbitahan ni Jo Osorio ang lahat, lalo na ang mga kababaihan, sa buong bansa, mga professional, kabataan, magulang at senior citizens na magtanim tulad ng kanyang ginagawa.
“Kung nagawa ko ang magtanim kahit napaka-busy kong tao, magagawa rin po ninyo ang magtanim,” pahayag pa ni Jo.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hang-gang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Face-book page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.
Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.
- Latest