^

PSN Opinyon

Maitim na kili-kili

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Umiitim ang kili-kili dahil sa iba’t ibang dahilan.

1. Dahil sa pag-ahit o shaving. Titigas ang buhok at iitim ang balat kung laging naiirita o nagagalusan. Mas mainam ang waxing o laser, kaya lang ay may kamahalan ito. Gumamit ng shaving cream o banayad na sabon kapag nag-aahit para maiwasan ang gasgas.

2. Ang mga deodorants at anti-perspirants ay maaaring matatapang na kemikal, kaya gumamit ng mild deodorants lamang.

3. Ang patung patong na dead skin cells ay nag-iipon sa kutis. Puwede ang exfoliation o pagtuklap ng dead skin cells gamit ang 1 kutsarita ng asukal at 1 kutsarita ng olive oil na pinaghalo at panatilihin sa kutis sa loob ng limang minuto.

4. Ang hyperpigmentation ay dahil sa melanin pigment na nagbibigay ng kulay sa balat. Mas maraming melanin, mas maitim.

5. Ang pagkiskis ng balat sa masikip na manggas ng damit ay nakakaitim din ng kilikili kaya luwagan ang manggas.

6. May tinatawag na Acanthosis Nigrican sa matataba, diabetiko o may abnormal na hormones.

7. Ang bacteria na Corynebacterium minutissimum ay nagdudulot ng pagpapawis at body odor.

8. Ang paninigarilyo ay nakaiitim ng balat.

9. Magkakaroon ng melasma kapag naarawan, o nagbuntis dahil sa pagbabago ng hormones.

10. Ang Addisons disease ay sakit na may kasamang pagod, hindi makakain, low blood pressure at low blood sugar, suka, pagtatae, etc.

11. Kung ang lahi ay mas morena, mas maiitim din ang kili-kili.

12. Dahil sa problema sa hormones tulad ng PCOS (Polycystic Ovary Syndrome) at hypothyroid.

13. Ang dermatologists mula sa Philippine Dermatological Society ay nagbibigay ng tretinoin, peels, o dermabrasion. Puwedeng subukan ang kojic acid na sabon at deodorants.

KILI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with