^

PSN Opinyon

Cooperation hindi collision

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Tumpak ang pagtanggi ni President Bongbong Marcos na mag-deploy ng mga barkong pandigma sa West Philippine Sea. Kung gagawin nga naman iyan, baka pagtawanan lang tayo ng China dahil mistulang surot ang ating military hardwares kumpara sa mga gamit nila.

Hindi puwedeng confrontational ang paraan natin sa paglaban sa mga pang-aabuso ng China. Sabi nga ng yumaong dating Presidente Noynoy Aquino, kahit sa pitikan ng ilong hindi tayo uubra.

Ngunit may magandang development na hindi marahas. Ang Pilipinas, Japan, at United States ay bubuo ng matatag na pundasyon sa larangan ng pagtutulungan sa maritime. Ito ang napagkasunduan sa first trilateral dialogue na idinaos sa Tokyo, Japan noong Disyembre 10.

Kung tatlong malalakas na bansa ang nasa likod natin, maninimbang na ang China sa paggawa ng mga pang-aabuso sa mga mangingisdang Pinoy. Bubuo ng mga alituntunin upang tiyakin na nasa ayos ang mga paraan sa maritime cooperation at nababase sa international law.

Napapanahon ang kasunduang ito sa harap ng lumulubhang pang-aabuso ng mga Chinese sa mga dayuhang mandaragat. Kung makikita ng mga Chinese na may pandaigdig na kasunduan kaugnay nito, marahil, titigil na sila sa ginagawang kabuktutan.

PRESIDENT BONGBONG MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with