^

PSN Opinyon

Kung ma-impeach si VP Sara, bistado ang deposito niya

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Naunahan na naman ng galit si VP Sara Duterte. Binan­taan na naman niya ang buhay ni President Bongbong Marcos. Idinagdag pa niya sa mga nais ipapatay sina First Lady Liza Araneta-Marcos at Speaker Martin Romualdez.

Nalalapit tuloy lalo si VP Sara sa impeachment. Maari pang sampahan ng kasong criminal. Pagmultahin. Ikulong. Habambuhay ipagbawal sa pampublikong puwesto.

Madaling-araw nu’ng Nov. 23 nagwala sa Zoom si VP Sara. Kesyo politika lang daw ang pag-usisa ng Kongreso sa P125 milyong confidential funds niya nu’ng 2022 at P500 milyon nu’ng 2023. Kesyo pinipilit daw ng mga kon­gre­sista ibunyag ni OVP chief of staff Zuleika Lopez ang mga katiwalian. Kesyo balak daw ni Romualdez mag-Presidente sa 2028 kaya sinisiraan siya ngayon pa lang.

Nasa opisina sa Batasan ng kapatid na Rep. Paolo Duterte si VP Sara noon. Balak daw siyang ipaligpit ni Romualdez. Kaya may papatay na rin daw kina Marcos, Araneta at Romualdez.

Sa press con nu’ng Oct. 18 inanunsyo na ni VP Sara na nais niyang gilitan sa leeg si Marcos.

Pinaimbestigahan ng Malacañang ang mga banta sa Pre­sidential Security Group. Nagbabala ang mga abogado­ ng gobyerno na labag sa batas ang pagtangka sa buhay ninuman. Maari rin i-impeach si VP Sara dahil sa “high crimes”. Pagmumultahin at ibabawal sa puwesto ku’ng may sala.

Kung ma-impeach siya maaring pabuksan ang bank account nila ni ex-President Rodrigo Duterte. Mabibisto kung magkano ang laman nito noon at ngayon. Paratang ni ex-senator Antonio Trillanes IV na bilyun-bilyong piso ang deposito rito.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with