^

PSN Opinyon

Better Kabataang Makatizen: Inspirasyon at Pag-Asa ng Makati

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

NAPAKARAMING dahilan para maging proud tayo sa Makati ngayon, at bilang lingkod-bayan ninyo, sobrang saya ko na makita ang mga tagumpay ng ating mga kababayan. 

Ngayong taon, malayo na ang narating ng ating mga programa para sa kapakanan ng ating mga kabataan—mula sa kalusugan at edukasyon hanggang sa proteksiyon at sports development.

Kabilang sa mga napakahalagang inisyatibo ang pagbibigay ng birth certificate sa mahigit tatlong libong bata, ang pamamahagi ng 866 Baby Makatizen kits, at ang tagumpay ng Expanded Newborn Screening na may mataas na coverage. 

Bumaba rin ang mga kaso ng stunting at underweight sa mga bata, at mahigit sa tatlong libong bata ang nakatanggap ng kumpletong bakuna ngayong taon.

Sa edukasyon naman, natapos ang rehabilitasyon ng 15 pampublikong paaralan, at naisakatuparan ang pag­lu­lunsad ng mga smart classrooms—isang hakbang na naglalayong tiyaking may access ang mga batang Makatizen sa makabagong teknolohiya.

Sa sports, kahanga-hanga ang ipinakita ni Sealtiel Cherrie Daiz na nagdala ung karangalan sa Team Makati sa Batang Pinoy 2024 National Championships sa Puerto Princesa City. Hindi lang siya basta lumangoy—binasag pa niya ang rekord sa Girls’ 16-17 200-m Breaststroke event sa oras na 2:47.39 seconds. Napaka-inspirational ng kanyang determinasyon at tunay na modelo para sa ating kabataan.

Nagbunga rin ang suporta natin sa ating mga atletang sumali sa Palarong Pambansa, kung saan 11 Proud Maka­tizens ang nagkamit ng medalya, habang ang Makatrix Robotics Team ay lumaban sa World Robotics Champion­ship sa Dallas, Texas.

Hindi rin magpapahuli ang ating mga barangay. Kama­kailan lang, ginanap ang awarding ceremony para sa Best Performing Barangays sa Ascott Hotel, at dito, ipinakita ang dedikasyon ng ating barangay leaders. Ang Barangay Sta. Cruz ang nagwagi bilang champion ng 2024 Lupon Tagapamayapa Award, habang ang Barangays San Isidro at San Antonio ang nag-second at third place. 

Bukod dito, kinilala ang Barangay Guadalupe Viejo sa 2024 Seal of Good Local Governance for Barangays, at ang Barangay San Lorenzo naman ay pinarangalan sa parehong city-level at national-level na SGLGB Passer awards. 

Dagdag pa rito, binigyan din ng parangal ang Barangay Forbes Park para sa kanilang Gender and Development initiatives at ang Barangay Poblacion para sa kanilang Nutrition Council programs.

Ang lahat ng tagumpay na ito, mula sa sports hanggang barangay development, ay patunay ng ating pagkakaisa at dedikasyon bilang isang lungsod. Talagang taas-noo tayo bilang Makatizens. Ang mga programang ito ay hindi lang para sa kasalukuyan kundi para sa kinabukasan ng bawat batang Makati.

Sobrang proud ako sa inyong lahat, at alam kong marami pa tayong magagawa at maaabot na mas mataas na tagumpay. Sama-sama nating itaguyod ang pinakamagandang Makati para sa lahat!

MAKATIZEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with