^

PSN Opinyon

Mga pagkaing dapat iwasan sa gabi bago matulog

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Karneng baboy at baka – Kapag maraming karne na kinain, mahihirapan itong tunawin ng tiyan. Maglalabas nang maraming asido ang tiyan para piliting tunawin ito. Puwedeng kumain ng karne pero kaunting portion lamang.

2. Pagkaing maanghang tulad ng sili, paminta, hot sauce at curry – Kapag kumain ng spicy foods sa gabi, baka humapdi ang sikmura. May pag-aaral na nagpapakitang ang mga taong mahilig sa hot sauce at mustard ay mas hindi makatulog o nahihirapang makatulog sa gabi.

3. Pag-inom ng alak at iba pang nakalalasing na inumin – May maling paniniwala na ang alak ay makatutulong sa pagtulog. Oo, makakatulog ka sa umpisa, pero pagising-gising ka naman sa gabi. Magkakaroon ka pa ng hang-over at sakit ng ulo sa umaga. Ang alak ay nagpapatanda rin ng mukha at balat dahil nakaka-dehydrate ito. Kahit 30-anyos lang ang alcoholic, mukha na siyang 50-anyos.

4. Kape at energy drinks – Ang mga inuming may caffeine ay nagpapagising sa atin. Kapag mahilig uminom ng kape, baka hindi makatulog sa gabi. Mas matindi ang epekto ng energy drinks dahil apat na beses ang dami ng caffeine nito kumpara sa kape. Ang isang lata ng energy drink ay may 80 milligrams ng caffeine.

5. Softdrinks – Bukod sa caffeine, ang softdrinks ay ma­taas sa asukal na puwedeng magdulot ng pagkabalisa.

DOC WILLIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with