^

PSN Opinyon

Dapat dumalo sa pagdinig si Sara

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Iniwan na yata sa ere ni Vice President Sara Duterte ang kanyang mga tauhan?

Kasi ang apat na executives ng Office of the Vice President ay pinaaaresto na ng mga miyembro ng House Committee on Good Government and Public Accountabi­lity dahil hindi dumadalo sa pagdinig kaugnay sa pondo ng OVP at sa misteryong paggastos ng confidential fund.

Sa hearing noong Miyerkules, dumalo na si OVP Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez. Pero na-cite in contempt siya kaya pinatawan na makulong ng limang araw sa detention cell ng House of Representatives. Makakalaya siya sa Lunes. May kaugnayan ang isyu sa paggamit ng confidential fund ng OVP. Noong una tumatanggi pa si Lopez na may alam siya sa sulat na pinadala sa Commission on Audit (COA).

Natatandaan ko, nagpahayag si Sara na sasamahan niya ang kanyang mga tauhan sa pagdalo sa Kamara kaugnay sa confidential fund ng OVP.

Bukas naman ang Kamara na magpaliwanag si Sara nang mawala ang agam-agam na may naganap na kurakot sa confidential fund. Sa tingin ko, habang nagmamatigas si Sara na humarap sa pagdinig, lalo lamang siyang mapaghihinalaan na may kabalbalan ngang nangyari sa pondo ng OVP at confidential fund.

Kamakalawa, pinahayag ni House Speaker Martin Romualdez na dapat personal na dumalo sa pagdinig si Sara at ipaliwanag kung paano ginastos ang confidential fund.

Wala pang pahayag si Sara sa sinabi ni Romualdez. Pero noon pa, sinabi ni Sara na pinupuntirya lamang siya dahil sa pulitika.

Palagay ko ay maaapektuhan ang kanyang political carrier hangga’t nagmamatigas siya na lumutang sa hearing ng Kamara. At habang hindi siya dumadalo, ang kanyang mga tauhan naman ang makukulong sa House of Representatives. Abangan!

DUTERTE

SARA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with