^

PSN Opinyon

Ang pundasyon ng pamilya

IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Kung ang iyong asawa ay bakla, puwede bang mapawalambisa ang inyong kasal? Ito ang sasagutin sa kaso nina Dina at Nardo.

Nagkakilala sina Dina at Nardo noong nag-aaral pa silang maging doctor. Sa tingin ni Dina si Nardo ay maalalahanin at madaling makisama sa ibang tao. Kaya naging magkasintahan na sila sa madaling panahon nang matapos mag-aral.

Alam ni Nardo at mga kaibigan na siya ay parang bakla. Pati si Dina ay nalaman na mas mahilig sa lalaki si Nardo. Basta itinatanggi ito ni Nardo at tinakot pang idedemanda ang mga nagkakalat ng ganitong mga kuwento. Dahil higit na paniniwalaan siya ni Dina, pinakasalan niya si Nardo.

Tila talagang masaya ang kanilang pagiging mag-asawa kaya nagkaroon pa sila ng tatlong anak sa loob ng limang taon. Ngunit hindi nagtagal ang kanilang pagsasama. Naging malupit masyado si Nardo. Laging inaaway si Dina at ma­s­yadong naabala sa mga malilit ng bagay.

Mas sinusunod ang kanyang nanay at inaasahang magpasya.

Napansin din ni Dina na mas malapit si Nardo sa mga lalaki. Hinalikan pa nito ang isang lalaki sa bibig. Kahit tinanggi ito ni Nardo, hiniwalayan ito ni Dina isinama ang kanilang mga anak. Mula noon hindi na sinustentuhan ni Nardo si Dina at mga anak.

Pagkaraan ng 11 taon, nagsampa ng petisyon si Dina na ipawalambisa ang kanilang kasal dahil sa walang kaka­yahan ni Nardo na gampanan ang tungkulin bilang asawa (psychological incapacity).

Upang patunayan ito, tumestigo si Dina at kinuwento ang mga nangyari. Pinresenta rin ni Dina ang report ng isang psychologist na kumausap kay Nardo na nagsabing wala talagang sikolohikal ng gampanan ni Nardo ang kan­yang tungkulin bilang asawa at ito ay hindi na malulunasan.

Hindi na nagpresenta si Nardo ng psychologist upang tanggihan ang kuwento ni Dina.

Pagkadinig ng kaso hindi ginawad ng RTC ang petisyon ni Dina. Ngunit pinawalambisa pa rin ang kanilang kasal dahil ang pagtanggi ni Nardo sa kanyang pagkabakla upang makamit ang pagpapakasal kay Dina ay isang pandaraya ayon sa Article 45 ng Family Code. Tama ba ang RTC?

Mali. Ayon sa Supreme Court, kahit na ipagpalagay na bakla si Nardo, hindi ito isang “fraud” o pandaraya na sapat upang ipawalambisa ang kasal.

Ito ay isang katibayan lang upang igawad ang “legal separation” o paghihiwalay ng tirahan at pagsasama (separation from bed and board ayon sa Art 55 (6) ng Family Code. Kaya dapat ang petisyon ni Dina ay legal separation.

Ang ating Saligang Batas ay pinagtitibay at pinalalakas ang pamilya bilang isang “social institution” at pundasyon ng pamilya. Kaya anumang duda ay dapat pabor sa pagkabisa ng kasal (Almenor vs RTC of Las Pinas City, G.R 179620, August 26, 2008.)

PAMILYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with