^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pangunahan ng pamahalaan ang simpleng pagdiriwang

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Pangunahan ng pamahalaan ang simpleng pagdiriwang

Ang pamahalaan ang dapat manguna sa simpleng pagdiriwang ngayong Pasko para mahikayat naman ang mamamayan na magdiwang din ng payak na Christmas party. Kung maipakikita ng pamahalaan ang pagiging simple at walang bonggang paghahanda­, ito ang tutularan ng nakararami. Mahalagang may ma­kitang halimbawa ang mamamayan. Madali namang mapasunod ang lahat kung seryoso ang namumuno.

Ang pagdiriwang ng simple ngayong kapaskuhan ay inihayag ni Executive Sec. Lucas Bersamin sa utos na rin ni President Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay Bersamin, nanawagan ang Presidente na alalahanin ang mga biktima nang sunud-sunod na bagyo na tumama sa bansa. Sa direktiba ng Presidente, hinikayat ang mga tanggapan ng pamahalaan na iwasan ang magarbong pagdiriwang ng Pasko. Sa halip na gumastos ang mga tanggapan ay magtipid ngayong Pasko. Ayon pa kay Marcos ang matitipid ay ipagkaloob o i-donate sa mga biktima ng bagyo. Marami aniya ang nawalan ng bahay, nasira ang mga pananim at hindi malaman kung paano babangon.

Marami rin umano ang nagdadalamhati dahil sa mga yumao nilang kaanak. May mga nananatili pa rin sa evacuation centers dahil wala na silang uuwiang bahay dahil nawasak ng bagyo samantalang ang iba ay tinangay ng baha.

Pitong bagyo ang sunud-sunod na tumama sa bansa. Mula nang manalasa ang bagyong Kristine, nagkasunud-sunod ang mga bagyo. Mayroong hindi pa naka­kalabas ng bansa ang tumamang bagyo ay may da­lawa agad na nakapila. At iisang lugar ang tinatahak.

Pagkatapos ng Bagyong Kristine, nananalasa naman ang Bagyong Leon na naghatid ng malaking pinsala sa Bicol Region at Northern Luzon. Sunod na tumama ang Bagyong Marce na nanalasa rin sa nasabing rehiyon. Hindi pa nakakalabas ng bansa ang nanalasang bagyo ay sinundan agad ng Bagyong Nika. Sumunod ang Bagyong Ofel at ang super typhoon Pepito na winasak ang Catanduanes at may mga na­matay dahil sa landslides at malawakang pagbaha.

Marami ang wala nang mailuha sapagakat nasaid sa mga tumamang bagyo. Sabi ng mga biktima sa Caga­yan, Batanes, Aurora, Albay, Catanduanes, Camarines Sur at sa mga taga-Calabarzon area partikular sa mga bayan sa Batangas, hindi nila alam kung paano magsisimulang muli sapagkat sinira at tinangay ng bagyo ang kanilang kabuhayan. May mga nagsabi na hindi nila alam kung paano ipagdiriwang ang Pasko.

Simpleng pagdiriwang lang ngayong Pasko at ang matitipid ay ipagkaloob sa mga sinalanta ng bagyo. Pangunahan ng pamahalaan ang pagtitipid at simpleng pagdiriwang ngayong Pasko.

CHRISTMAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with