^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Sampahan na ng kaso

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL – Sampahan na ng kaso

Daming nagulat sa balitang nakalipad na agad sa U.S. si dating police colonel at PCSO general ma­nager Royina Garma. Ang alam nang marami ay nasa kustodiya pa siya ng House quad committee kasama si dating Napolcom director Edilberto Leonardo dahil na-contempt ang mga ito dahil sa pagsisinungaling.

Lumipad umano si Garma patungong U.S. noong Nobyembre 8 kasama ang anak na babae. Pagdating sa San Francisco airport ay hinarang sila ng mga awtoridad dahil kanselado na ang visa nito. Nakatakdang du­mating si Garma ngayong araw na ito. Hindi pa alam kung saan siya dadalhin pagbalik sa bansa. Maski ang House quad committee na nag-iimbestiga kay Garma ay hindi alam kung saan dadalhin ang dating police colonel.

Wala pang nakasampang kaso kay Garma kaya hindi­ pa siya puwedeng arestuhin at ikulong. Ang PNP ang may hurisdiksiyon sa pagsasampa ng kaso kay Garma. Pero hanggang ngayon wala pang ginagawa ang PNP at maski ang NBI para makasuhan si Garma. Ito ay sa kabila na isang police official na ang nagsabi na si Garma ang “utak” sa pagpatay sa PCSO board secretary na si Wisley Barayuga noong 2021. Bukod kay Garma, sangkot din si dating police colonel Leonardo.

Ayon sa witness na si Lt. Col Santie Mendoza, lumantad siya dahil kailangan nang manaig ang katotohanan. Napag-utusan umano siya na ipapatay ang taong walang kasalanan. Inutusan umano siya ni Leonardo na pa­tayin si Barayuga sa utos naman ni Garma. Ayon kay Mendoza, ipinapapatay si Barayuga dahil sangkot umano ito sa illegal drugs. Hindi umano niya matanggihan si Leonardo dahil upper classmen niya ito sa Phi­lippine National Police Academy. At isa pa, ang nag-uutos mismo ay ang PCSO general manager. Binigyan umano siya ng P300,000.

Ipinasa umano niya ang lahat ng impormasyon sa asset na si Nelson Mariano at ito naman ang komontak sa gun­man na kinilala sa alyas Loloy. Isinagawa ng gunman ang pag-ambus sa corner ng Calba­yog at Malinao Streets sa Bgy. Highway Hills, Mandaluyong City, makaraang lumabas sa tanggapan ng PCSO si Barayuga dakong alas tres ng hapon noong Hulyo 30, 2020. Nang maipit sa trapik si Ba­rayuga, pinagbabaril siya. Mabilis na tumakas ang gunman.

Itinanggi naman nina Leonardo at Garma ang aku­sasyon ni Mendoza. Hindi raw nila ito kilala. Wala raw silang nalalaman sa akusasyon. Bukod sa pagpatay kay Barayuga, inaakusahan din sina Garma at Leonardo sa pagpatay sa tatlong Chinese drug lord na nakakulong sa Davao prison.

Madaliin ng PNP at NBI ang pagsasampa ng kaso kina Garma. May mga testigo naman laban sa kanila. At bakit umalis ng bansa si Garma? Ang mabagal na pagkilos­ ay nagdaragdag sa sakit ng mga naulila na matagal nang naghahangad ng hustisya.

ROYINA GARMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with