^

PSN Opinyon

Mga pagkain para maging mahusay ang memorya

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Matatabang isda, mani at olive oil – Ang pagkain ng matatabang isda gaya ng sardinas, tuna, tamban, mackerel at salmon ay maaaring mapanatili ang ating memorya. Ang omega-3 fatty acids ay matatagpuan sa matatabang isda.

2. Berdeng gulay, broccoli, kangkong, spinach, kamote, strawberry at iba pang pagkain na mayaman sa Vitamin C at E – Ang mga pagkain na naglalaman ng antioxidant ay ma­ka­tutulong sa paglaban sa free radicals na maaaring sumira sa ating utak. Natuklasan na ang mga pagkaing mayaman sa Vitamin C at Vitamin E ay posibleng mabawasan ang panganib ng Alzheimer’s disease.

3. Pagkaing mataas sa flavonoids tulad ng tea, mansanas, orange, suha, repolyo, bawang, sibuyas, kamatis, peas at beans – Natuklasan sa isang pag-aaral na ang pagkain ng prutas at gulay ay makababawas sa pagkasira ng utak at pagka-ulyanin.

4. Curry powder at turmeric – Isang pangunahing sangkap ng curry powder ay turmeric na naglalaman ng curcumin. Sa pag-aaral, natuklasan na ang curcumin ay isang mabisang anti-oxidant at anti-inflammatory. May pag-aaral na nag­sasabi na posibleng mas gumana ang utak kapag madalas kumain nito.

5. Monggo – Maraming benepisyo ang monggo sa puso, utak at katawan natin. Hindi tunay ang kasabihan na bawal ito sa arthritis. Puwede itong kainin dahil masustansiya. Ma­husay ito sa mga lumalaking bata dahil sa kumpleto sa bita­mina at mineral. Bagay sa may diabetes at maganda sa puso dahil walang cholesterol at ang fiber sa monggo ay laban sa bad cholesterol.

Ang high fiber ng monggo ay may cholecystokinin, para mabilis mabusog, mas konti ang makakain, kaya mas maka­kapagbawas ng timbang. Bagay din sa nagtitibi at may IBS o Irritable Bowel Syndrome na maganda sa tiyan at pagtunaw.

Puwedeng kainin ng maysakit sa atay dahil pinagkukunan ng protina, albumin at globulin, isoleucin, leucine, valine. Puwede rin sa may sakit sa kidney dahil ang protina nito ay galing sa gulay at hindi sa karne.

Merong folate o folic acid ang monggo na mahalaga sa mga nanay na buntis para sa nervous system ng sanggol. Marami itong taglay na iron na nagdadala ng oxygen sa buong katawan at sa utak para focus at maganda ang memorya kaya bagay sa matanda, bata na nag-aral at anemic.

6. Calcium – Ang calcium ay kadalasan nating naririnig sa mga produktong may kinalaman sa pagpapatibay ng ating mga buto. Nakakatulong ito sa mga bata at matatanda upang mapatibay ang buto at maiwasan ang pagkabali o pagrupok nito. Ngunit hindi lang ito ang maaring idulot ng calcium sa ating katawan. Silipin pa natin ang ibang benepisyo nito at mga halimabawa ng pagkain kung saan ito matatagpuan. Nakakatulong ito upang maiwasan ang pagtaba. Nakakatulong sa mga muscles ng puso. Nakatutulong upang maiwasan ang colon cancer. Nakakatulong upang maging maganda ang balat. Ang mga pagkain na mayaman sa calcium ay gatas, keso, sardinas, orange, soymilk at yogurt.

PAGKAIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with