^

PSN Opinyon

Lagnat

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

GANITO ang gawin kung may lagnat.

1. Kung walang thermometer, puwedeng gamitin ang balat sa likod ng ating kamay at ipatong sa noo o leeg ng pasyente. Mas sensitibo itong parte ng kamay (sa may kamao pababa sa mga daliri) kumpara sa ating palad.

2. Uminom ng 8-12 basong tubig o likido sa isang araw. Pinakamaganda ang tubig lang, ngunit puwede ring uminom ng fruit juice. Ang pag-inom ng tubig ay nakapagpapababa ng lagnat dahil inilalabas nito ang init ng katawan sa pamamagitan ng pag-ihi.

3. Punasan ng basang tuwalya ang katawan. Ang pagpupunas sa maiinit na parte ng katawan tulad ng singit, kilikili at leeg ay nakapagpapaginhawa sa maysakit. Huwag basain ang buong katawan, kundi ilang parte lamang. Kapag napunasan na ang katawan ay huwag itong tuyuin. Hayaan mag-evaporate ang tubig para sumingaw ang init sa katawan.

4. Huwag magbalot ng kumot o jacket. Kahit ika’y giniginaw (dahil sa pagtaas ng lagnat), huwag magbalot ng kumot dahil lalo lang tataas ang lagnat.

5. Dapat ay hindi mainit o kulob ang iyong kuwarto. Kung may aircon o electric fan ay buksan ito. Ang preskong hangin ay makatutulong sa pagdaloy ng oxygen.

6. Kumain ng sapat at masustansya. Kailangan ng katawan ang lakas para labanan ang sakit. Ang lugaw, prutas at gulay ay mabuti sa katawan.

7. Matulog at magpahinga. Ito talaga ang nagpapalakas sa katawan.

8. Puwedeng uminom ng Paracetamol tablet o syrup tuwing 4 na oras kapag mataas ang lagnat sa 38.5 degrees Centigrade. Kumunsulta sa doktor kung lampas sa 39 degrees ang lagnat, masama ang pakiramdam o higit sa tatlong araw ang lagnat.

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with