MAKAKABALIK pa kaya sa dating puwesto niya si NCRPO chief Maj. Gen. Sidney Hernia? ‘Yan ang katanungan na umiikot sa Camp Crame matapos maglabas ng order ang liderato ng PNP na ni-relieve si Hernia administratively sa loob ng 10 araw effective November 7.
Siyempre, ang kasagutan ay depende sa kausap mo. Kapag kaalyado ni Hernia, sasabihin nilang babalik ito sa November 18. Kaya lang kapag ang kausap mo naman ay mga bata ng opisyal na nag-aambisyon na mag-NCRPO ang amo nila, sasabihin na hindi na. Dipugaaaaa!
Kung sabagay, hindi lang naman si Hernia ang na-relieve kundi maging si ACG director Maj Gen. Ronnie Francis Cariaga. Araguyyy! Hindi naman nakalagay sa order na pirmado ni DPRM director Brig. Gen. Constancio Chinayog Jr, ang dahilan kung bakit na-relieve sina Hernia at Cariaga.
Kaya lang sangkot ang mga tauhan nila kapwa sa raid na isinagawa sa Century Peak Tower sa Adriatico St., Malate, Manila, na tinatawag ng kapulisan na “Mother of all Scam Hubs.” Purbidang yawaahhh! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Ang pagka-relieve sa dalawang PNP officials ay nag-ugat sa akusasyon ng kampo ng ni-raid na scam hub na kinikikilan sila ng mga raiders, na deny to death naman si Hernia. Iginiit ni Hernia na above board ang lakad ng NCRPO-CIDG dahil bunsod ito sa reklamo ng biktima na binugbog sa Pasay at itinago sa scam hub. Insidente lang na nakita roon ang mga empleyado ng scam hub, na may 69 foreign nationals.
Nagkagulo ang kaso dahil hindi tinanggap ng Bureau of Immigration ang 69 foreigners dahil sa isang technicality. Kaya na-release ang mga ito. Get’s n’yo mga kosa? Hindi lang ‘yan, dumistansiya rin ang PAOCC, IACAT at BI sa raid, na kung tutuusin ay dapat kasama sila. Lapses?
Kaya lang maging si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ay idinepensa ang mga NCRPO-ACG raiders. Subalit sa sagutan ng akusasyon sa magkabilang kampo, na-blown out of proportion ang isyu. Eh di wow! Kaya naging sacrificial lambs sina Hernia at Cariaga? Ang sakit sa bangs nito!
Sinabi naman ni PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo na ang scam hub na sinalakay ng NCRPO-ACG ay dalawang beses nang na-raid. Ayon kay Fajardo, nagpalit lang ito ng pangalan at presto….balik operation na ito.
Kung sabagay, bilyones o milyones ang kinikita sa scam hub kaya sino ba naman ang aayaw ng sandamakmak na pitsa? Baka mabulag ang aayaw d’yan pag nagkataon? Anong sey n’yo mga kosa? At ang iginigiit ng mga kosa ko, kung ganun katapang na bumalik sa dating gawi ang scam hub, tiyak may bagyong opisyal ng gobyerno ang nasa likod nito. Mismooo!
Kaya hilo sina Hernia at Cariaga kung anong bagyo ang tumama sa kanila. Hindi tiyak ang bagyong Kristine, Leon at Marce! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Kung tatanungin naman ang mga kosa ko sa Camp Crame ang matinding kasalanan nina Hernia at Cariaga ay ginising nila ang sleeping giant sa katauhan ng negosyanteng si Willy Keng, ang may-ari ang 40-storey na Century Peak Tower. Dipugaaaaa!
Ang inatasan na magpatuloy ng trabaho ng NCRPO ay si DRDA Brig. Gen. Reynaldo Tamondong samantalang sa ACG naman ay si Col. Vina Guzman. Good luck mga kosa? Abangan