^

PSN Opinyon

Pinaglalaruan ang Senado

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Gusto kong malaman kung may punto ba ang lahat ng ito. Tinutukoy ko ang pagdinig sa Senado hinggil sa extrajudicial killings (EJKs) kung saan walang iba kundi ang arkitekto ng madugong kampanya kontra iligal na droga, si dating President Rodrigo Duterte ang inimbitahan para magbigay ng pahayag.

Ang pagdinig ay bunsod ng mga pahayag ni Royina Garma, dating pulis Davao, dating PNP chief sa Cebu, at dating ge­neral manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) hinggil sa pagiging kasabwat sa pagpatay sa isang opisyal ng PCSO.

Sa kanyang pagbubunyag, may sistema ng pabuya umano para sa mga taong pinatay ng pulis noong termino ni Duterte. Pero tila walang saysay ang pagdinig na ito.

Una, nanawagan si Senador Ronald dela Rosa na imbestigahan ng Senado ang mga pagpatay. Bakit siya ang mamumuno sa imbestigasyon gayong bilang dating PNP chief sa ilalim ng administrasyong Duterte, siya ang naatasang ipa­tupad ang madugong utos ng kanyang Presidente?

Iimbestigahan ba niya ang sarili? Siyempre, tumanggi siyang mag-inhibit. Pangalawa, nagpakita si Duterte sa Senado at nagsimulang magsalita. Inamin niya na may death squad siya noong mayor pa ng Davao City, ngunit agad sinabing mga gang­ster ito na pumatay ng mga kriminal. Hindi raw mga pulis.

Pero agad sinundan na hinikayat niya ang mga opisyal ng pulisya na pilitin ang mga suspek o kung sino man na lumaban upang sila ay may katwirang patayin ang mga ito. Para na ring nag-abot ng baril sa isang tao at hinikayat na itutok sa mga pulis para ito mapatay. Maaaring iyon nga ang nangyari sa maraming pagpatay.

Sinabi ni Duterte, sa kanyang karaniwang pananalita na puno ng pagmumura, na inaako niya ang buong responsibilidad para sa mga pagpatay na nangyari noong siya ay Pre­sidente mula 2016 hanggang 2022 ngunit agad sinundan na hindi siya mananagot sa pagkamatay ni Kian Delos Santos.

Para bang pinaglalaruan niya ang Senado kung saan mayroon siyang mga panatikong kakampi. Alam naman ng lahat na sina Senators Dela Rosa at Padilla ay ipagtatanggol siya hanggang sa katapusan ng mundo. Kaya protektado siya.

At bakit siya hinahayaang magsalita na puno ng pagmu­mura? Kung iyon ay ordinaryong tao, sigurado pinakulong na iyan ng Senado.

Lahat ng mga pahayag ni Duterte ay ginawa sa ilalim ng panunumpa. Wala akong pakialam sa pagtatanggol ni Dela Rosa kay Duterte na sinasabing nagbibiro lang siya. Tinutuya niya ang lahat tungkol sa pagsasampa ng mga kaso laban sa kanya, habang itinutuloy ang kanyang pagbabanta na papatay siya ng tao. Ito ay isang seryosong bagay.

Ang mga pahayag ni Duterte ay public record na ngayon, kaya ano pa ang hinihintay ng gobyerno? Kung hindi, tulad ng sinabi ko sa simula, ano ang punto ng lahat na ito?

SENADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with