Laging uminom ng maligamgam na tubig
MARAMING benepisyo ang pag-inom ng maligamgam na tubig araw-araw. Narito ang ilan:
1. Magandang sirkulasyon ng dugo – Ang maligamgam na tubig ay maaaring makapagpabuka ng blood vessel para dumaloy ng mas maayos ang dugo at sustansiya sa ating katawan.
2. Mabuti sa tiyan – Ang maligamgam na tubig ay nakatutulong sa maayos na pagtunaw ng ating kinain. Mahusay din para makapasok ang sustansiya sa ating katawan.
3. Para magkaroon ng mas maayos na tulog – Ayon sa research, ang pag-inom ng isang tasang maligamgam na tubig ay nakatutulong para marelaks ang katawan at makatulog. Maiiwasan din ang magising sa madaling araw, para maging malakas sa susunod pang mga araw.
4. Magandang panunaw – Ang mainit na tubig ay sinasabing madaling paraan upang mapabuti ang kalusugan. Kapag ang isang tao ay hindi umiinom ng sapat na tubig, ang maliit na bituka ay sumisipsip ng mas maraming tubig sa nakonsumong pagkain at ininom. Ito ang dahilan para maging dehydrated at mahirapang dumumi. Ang sobrang dehydration ay maaaring magresulta ng malalang constipation o pagtitibi at magresulta ng iba pang problema.
5. Para maging regular ang pagdumi – Kung kumpleto sa dami ng tubig na iniinom, mas madali at magiging regular ang pagdumi dahil mas magiging malambot ito at madaling mailabas.
6. Para mabawasan ang stress – Ang isang tasang maligamgam na tubig ay nakatutulong para mabawasan ang stress at anxiety.
- Latest