^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga gahamang negosyante, ireport

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mga gahamang negosyante, ireport

Napakalaki ng pinsalang idinulot ng mga Bag­­yong Kristine at Leon sa Bicol Region at Batanes­. Ayon sa National Disaster Risk, Reduction Manage­ment Council (NDRRMC), naapektuhan ng dalawang­ bagyo ang 2,028,282 pamilya o 7,953,766 katao sa buong bansa. Ang bilang ng mga namatay sa Bag­yong Kristine ay 150 at may nawawalang 30. Wala namang naiulat na namatay sa Bagyong Leon subalit nag-iwan naman nang malaking pinsala sa mga ari-arian at pananim sa Batanes at Cagayan Valley.

Nagkaroon din naman ng grabeng pinsala ang Bagyong Kristine sa Calabarzon area kung saan nagkaroon ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa Agon­cillo at Laurel, Batangas. May mga namatay dahil sa pagguho ng lupa at pagbaha sa Agoncillo. Maraming nasirang kalsada at tulay sa Laurel.

Matagal pa bago makabangon ang mga nasalanta ng dalawang bagyo. Marami ang umiiyak sapagkat­ wala silang nailigtas sa kanilang mga gamit dahil sa mabilis na pagbaha. Tanging suot lang nila umano ang naiwan sa kanila. Hindi nila alam kung paano mag­sisimula. Hindi rin nila alam kung paano maitatayo ang kanilang mga bahay na sinagasaan ng baha at naguhuan ng lupa.

Ang pagtama ng kalamidad ang inaabangan ng mga gahaman at mapagsamantalang negosyante­. Dito sila kumikita nang maraming pera sa pamama­gitan ng pagtataas ng presyo sa mga pangunahing bilihin­ gaya ng bigas, gatas, asukal, sardinas, noodles at maski ang mga materyales para sa paggawa ng bahay. Ito ang magandang pagkakataon para mamutiktik ang kanilang mga bulsa sa dami nang kikitaing pera. Hindi na nila iniisip ang dinaranas na hirap ng mga kaba­bayan. Hindi na nila ito nakikita at nararamdaman sapagkat ang nananaig ay ang kumita nang malaki.

Tiyak nang maglulutangan ang mga mapagsaman­tala at kahit pa nagbanta ang Department of Trade and Industry (DTI), hindi sila natatakot at lalo lamang­ ipag­papatuloy ang pagsasamantala sa mga kawa­wang biktima ng bagyo.

Isang araw makaraang manalasa ang Bagyong Kristine, agad silang nag-isyu ng 60-araw na price freeze sa mga pangunahing bilihin gaya ng sardinas­, noodles, gatas, kape, tinapay, sabong panlaba, mantika, bottled water at iba pa. Ayon sa DTI, ang mga negosyanteng mahuhuli nila at mapatutunayang nag­samantala ay makukulong ng 10 taon at pagmumultahin ng mula P5,000 hanggang P1 milyon. Hindi umano sila mangingimi na kasuhan ang mga lalabag. Hinikayat ng DTI ang mamamayan na ireport ang mga negosyanteng magsasamantala.

Nararapat namang magkaroon ng hotline number ang DTI para makatawag agad ang mamamayan at mai-report ang mga magsasamantala.

BATANES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with