Miraflores dynasty corruption, binira
Pinasisiyasat ng local na pamahalaan ng Aklan Province ang pagkabinbin ng anim na buwan ng infrastructure projects sa lalawigan. Nababahala ang mga officials sa umano’y korapsiyon ng Miraflores political dynasty lalo na sa supply ng sand and gravel. Minamanipula raw ang political dynasty ang quarry resources kaya hindi matapos ang mga proyekto. Sabi ng isang public official ang pang-aabuso at masamang pamamahala ng Miraflores political dynasty ay panganib ang dulot sa taumbayan sa Aklan.
Nakalulungkot ang mga ulat na maraming proyekto ang nabibitin dahil sa masamang sistema. Sumbong ng ilang local officials, ang mga kontratista sa proyekto na hindi umaayon sa interest ng pamilya ay tinatakot o ginigipit kaya nahihinto ang operasyon at hindi matapos ang mga pagawaing bayan.
Hindi raw masimulan ng mga contractors ang higit 50 proyekto dahil walang mapagkukunan ng graba at buhangin. Iniipit daw ng mga Miraflores ang permiso sa quarry. Suma total, nagiging mapanganib sa mga motorista ang mga daang hindi naaayos lalo na sa West Aklan. Dahil diyan, nagkakaroon ng delay sa disbursement ng pondo sa ilalim ng General Appropriation Act para sa taong ito ng Department of Public Works and Highways (DPWH) projects sa Aklan. Taumbayan ang apektado dahil paralisado ang ekonomiya ng lalawigan.
Tahasan ding pagsira ito sa kasunduan ng Bagong Alyansa Agreement na nilagdaan ng limang major political parties. Sa kasunduang ito nangako ang mga partido politikal ng istriktong pagsunod sa etika ng mabuting pamamahala. Mismong si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang sumaksi sa paglagda sa kasunduan.
May merito sa tingin ko ang reklamong ito. Sabi nga ng isang mayor sa lalawigan, prayoridad na mapangalagaan ang kaligtasan ng mga taumbayang nasasakupan nila kaya hinihingi ang intervention ng national government.
- Latest