^

PSN Opinyon

Maging handa sa pagtama ng bagyo

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Pahirapan pa rin ang pagdalaw sa puntod ng mga namayapang kamag-anakan dahil naka lubog pa rin sa baha matapos salantain ng mga Bagyong Kristine at Leon ang Luzon, Visayas at Mindanao.

Hanggang ngayon, may mga lugar na lubog pa rin sa baha sa Bicol Region at Batangas. Subalit tanggap na nang mga kababayan natin ang sinapit nila at sa lantarang nagpahayag ang mga ito na tulungan naman sila ng gobyerno na mabigyan ng pagkain at kagamitang pangkumpuni ng kanilang mga nasirang bahay.

Likas na malakas ang loob ng ating mga kababayan sa pagtama ng kalamidad. Namulat na kasi na ang bansa natin ay dinadaanan ng bagyo taun-taon. Mahigit 20 bagyo ang nananalasa.

Madalas din ang pagputok ng mga bulkan dahil ang bansa ay napapaligiran ng ring of fire. Kapag nag-alboroto ang mga bulkan ay tiyak na aagos ang lahar. Ganyan ang nangyari sa Bicol Region at Batangas.

Umaagos ang lahar mula sa Bulkang Mayon dahil naka-deposito ito sa dalisdis ng bulkan. Kapag bumuhos ang malakas na ulan tiyak na aanurin ang lahar tatamaan ang mga komunidad sa paligid ng Mayon.

Ang Taal Volcano sa Batangas maraming beses nang pumutok at nagbubuga ng makapal na asupre. Kaya sa tuwing lalakas ang ulan, aagos ang lahar na makaaapekto sa mga residente roon.

Handa naman ang pamahalaan sa mga kalamidad. Patuloy ang Department of Social Welfare and Development sa pamamahagi ng ayudang pagkain sa mga biktima ng bagyo. Maging handa naman ang lahat kapag may paparating na bagyo. Huwag nang hintayin ang forced evacuation, lumikas na para hindi maging biktima. Nasa huli ang pagsisisi.

vuukle comment

BATANES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with