^

PSN Opinyon

Lalaki, ipinahatak sa baka ang nabiling palyadong kotse bilang protesta!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Isang lalaki sa China na nakabili ng pal­yadong electric car ang nagprotesta sa pamamagitan ng pagpapahatak nito sa isang baka!

Isang hindi pinangalanang car owner sa China ang nagprotesta matapos malaman nito na ang binili niyang second hand na Tesla Model 3 ay hindi nagcha-charge!

Hindi makapaniwala ang naturang lalaki na ang kotse na nabili niya sa halagang 101,000 Yuan ay palyado kaya tinawag niya ang pansin ng publiko sa pamamagitan ng paghatak sa sasakyan gamit ang isang baka sa gitna ng kalye.

Binili niya ang puting Tesla Model 3 sa isang kilalang Chinese online platform na Guazi, ngunit nang gagamitin na niya ito ay may lumabas na babala sa dashboard screen na hindi maaaring i-charge ang sasakyan.

Sinubukan ng may-ari na makipag-ugnayan sa Guazi at Tesla, ngunit nang walang maayos na solusyong nakuha, ipinakita niya ang kanyang galit sa pamamagitan ng kakaibang pagprotesta.

Sa kanyang pagparada ng palyadong kotse gamit ang baka, pininta­han niya ito ng mga salitang “Deceived by Guazi” at “fraud” upang makuha ang atensiyon ng mga tao at ng media.

Sa statement na inilabas ng Tesla China, sinabi nila na second hand nabili ang kotse sa isang third party car dealership kaya wala silang magagawa sa problema ng buyer.

Ipinahayag din nila na ang brand new na Tesla Model 3 ay nagkakahalaga ng 335,900 yuan, napakalayo sa presyo ng kung magkano ito nabili ng buyer. Sinabi ng mga ito na sa presyo pa lang ay dapat nagduda na ito at ininspeksyon mabuti bago ito binili.

Sa panayam sa Guazi, ang sasakyan ay naibenta sa pamamagitan ng kanilang C2B service, na nakatuon sa mga professional car dealers at hindi sa karaniwang car buyers, kaya’t ang kondisyon ng sasakyan ay responsibilidad ng bumibili.

Sa kabila ng paliwanag ng Guazi, naglabas din ito ng refund para sa nasabing kotse. Lumabas sa pagsusuri na ang sasakyan ay may mileage na higit sa 280,000 km at na-rate bilang D-grade, na nangangahulugang hindi na maganda ang kalagayan nito.

CHINA

YUAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with